top of page

MAY-DECEMBER-JANUARY

May-December-January (2022)

Directed by: Mac Alejandre


A mother and her son is in love with the same boy.

Who will let go?


Mapangahas ang istorya.

Ngunit hindi pulido ang pagkakagawa.


Kapos sa maraming bagay. Hindi maganda ang scoring. Hindi sila masipag magkwento.

Fast forward agad sa mga bigateng kaganapan.

Biglang may aminan. Biglang may halikan.

Nawawala ang mga eksena kung paano sila umabot sa mga pangyayaring iyon.


Maganda ang mga linya.

Ngunit hindi lubusang nagamit para mas makilala ang bawat karakter.


Kulang pa sa masinsinang usapan ang mag-ina at ang mag-nobyo. Halos hindi pa nila kilala ang isa’t isa, pero wagas kung makapag-salita. Sayang ang mga pagkakataon na paghambingin ang isip ng bata sa matanda. Pati na rin ang pananaw ng magulang sa kapwa magulang. Hindi nagkakaroon ng progresibong diskurso.


Ang tatlong mga artista

ang siyang nagpa-angat sa pelikula.


Andrea Del Rosario showed how extreme a mother’s love can be. Her ways of love can be wrong, but her portrayal is just right.


Kych Minemoto fits the role. He captures the energy of a teenager, always thirsty for knowledge and sex.


Gold Aceron’s first scene alone already proves how good of an actor he is. His eyes speak excitement and then sorrow. The way he chooses to utter his lines is always sincere and heartfelt.


Dahil sa galing nila, hindi mo na alam kung tama ba o mali ang kanilang ginagawa.


Naging matapang ang pelikulang ito sa paglahad ng kakaibang kwento na pwedeng pag-usapan at pag-diskusyunan… kahit taliwas man ito sa nakasanayan at kahit hindi ito naaayon sa karamihan.


Binigyan nila ng ibang kahulugan

ang salitang “pagmamahal”.


Kung lahat naman ay magiging masaya sa huli…

Sino ba ang makakapagsabi na ito ay mali ?


MAY-DECEMBER-JANUARY

⭐️⭐️⭐️


Cast: Andrea Del Rosario, Kych Minemoto, Gold Aceron

Presented by: Viva Films

Date Released: October 12, 2022 in PH Cinemas nationwide

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments

Commentaires

Noté 0 étoile sur 5.
Pas encore de note

Ajouter une note
bottom of page