Moneyslapper (2024)
Directed by: Bor Ocampo
Andaming gustong patunayan ng pelikulang ito. Kontrobersyal ang mga linya pero puro parinig at pahapyaw lang naman. Wala itong napupuntahan. Sasampalin ka ng mga pera at ng mga paksa, tapos paliliparin lang kung saan saan. Masyadong mahangin pero walang laman.
Hindi nila kayang gumawa ng tensyon nang hindi sila nagmumura. Kapag pagod na silang magmura, maghuhubad na lang sila.
Minsan, para na siyang Vivamax movie dahil kahit hindi kailangan ng sex scene, gagawin pa rin nila. Ang kaibahan lang dito, si John Lloyd Cruz ang gumagawa kaya mas sosyal ang dating. Kapag may kantutang nangyayari, halatang tinatakpan ang ilang bahagi ng katawan kahit hindi natural tingnan. Masyadong peke ang ilang ungol.
Dinadaan na lang sa maangas na aktingan para kunwari mabigat ang mga nangyayari. Kulang sa hugot ang mga awayan. Medyo amateur ang pagkakakuha sa ilang mga eksena. Hindi maganda ang direksyon at ang editing. Ramdam mong tumatalon ang mga kaganapan. Hindi malinis ang pagkakatahi.
Nung nagpakita at nagsalita na si Charlie Dizon, doon nagkaroon ng lalim ang istorya. She was able to summarize the essence of the whole film in just few seconds.
The rest of the movie felt like an acting exhibition of John Lloyd Cruz for doing things he hasn’t done before.
Gratuitous porn. Nonstop intimidation. Empty threats. One-liner quotes. Occasional laughs. Fleeting moments. Filler scenes. All for show.
This movie fails to slap hard.
Panay pakitang-gilas lang.
𝗠𝗢𝗡𝗘𝗬𝗦𝗟𝗔𝗣𝗣𝗘𝗥
Rating: 1/5
Cast: John Lloyd Cruz, Jasmine Curtis-Smith, Charlie Dizon
Also Starring: Lav Diaz, Susan Africa, Joel Saracho, Jojit Lorenzo, Mae Paner, Gaye Angeles, Apollo Abraham, Malou Crisologo, Timothy Castillo, Mai Fanglayan, Adrian Cabido, Rox Lee, Ronnie Lazaro and Mercedes Cabral
Screenplay by: Jason Paul Laxamana, Norman Wilwayco
Presented by: Plan B, Dumpsite Gallery
Release Date: November 9, 2024 for QCinema Festival
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Storytelling: 1
Emotions: 1
Screenplay: 1
Technical: 1.5
Message: 1.5
AVERAGE SCORE: 1.2
Yorumlar