More Than Blue (2021)
𝘗𝘩𝘪𝘭𝘪𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦 𝘢𝘥𝘢𝘱𝘵𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘰𝘧 𝘢 𝘒𝘰𝘳𝘦𝘢𝘯 𝘮𝘰𝘷𝘪𝘦 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘴𝘢𝘮𝘦 𝘵𝘪𝘵𝘭𝘦
Directed by: Nuel Naval
Dalawang magkaibigan na higit pa sa magkasintahan ang turingan.
Itinatampok ang unli harutan at extended iyakan moments nina Yassi Pressman at JC Santos, kaya umabot ng halos dalawang oras ang pelikula.
Panay pagpapa-cute gamit ang kanilang mga pabebe na boses. Sabay mag-d-drama habang kinakaawan ang sarili sa mga desisyon nila sa buhay.
Ginawa nilang pastime ang panloloko, pangangaliwa at pagpapakasal. Pinaglaruan nila ang mga tao sa kanilang mga palad.
Ang mga usapan ay nakakainis pakinggan, dahil hindi ito makatotohanan. Halatang pang-pelikula lamang.
Maganda ang hitsura ng pelikula. Mukhang glamoroso ang pagkakakuha. Pero marumi ang pagkaka-kwento. Halos pinag-dikit-dikit lang ang mga eksena. Hindi lumalago ang kwento ng bawat karakter.
Songwriter daw si Yassi dito. Pero ni-minsan, hindi mo nakitang nagsulat at nag-aral. Tapos isang araw, kinakanta na pala yung kantang ginawa niya. Magugulat ka na lang sa mga biglaang nangyayari sa kanya, lalo na sa huling eksena.
Emotero ang role ni JC dito. Na mahilig magpakita ng pwet nang walang dahilan. Hindi mo alam kung kakaawaan mo ba siya o kaiinisan, dahil wala naman siyang ginagawa para ayusin ang sarili niya.
Mabuti pa si Marion Aunor na kahit papano ay nakapaghatid ng katatawanan sa ilang mga eksena. Bumagay rin kay Diego Loyzaga ang pagiging good boy para lamang sa palabas na’to.
Maliban dun ay napakahirap nang kumapit sa pinanuod mo. Isang malalim na buntong hininga na lamang ang magagawa mo.
This movie is just sad to watch… Not because you feel for the story and its characters... But because there’s nothing worthwhile to be felt at all.
And that’s what makes this movie bluer than blue.
MORE THAN BLUE
Rating: 0/5
Cast: Yassi Pressman, JC Santos, Diego Loyzaga, Ariella Arida, Marion Aunor
Presented by: Viva Films
Date Released: November 19, 2021 via Vivamax
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Comments