My ZomBabe (2024)
Directed by: Bobby Bonifacio Jr.
Isang tao ang patay na patay sa isang babe kahit zombie na ito.
Bagay maging Zombie si Kim Molina dahil swak ang energy niya para sa karakter. Natural si Empoy pagdating sa comedy pero kulang pa pagdating sa drama.
Pag pinagsama mo silang dalawa, hindi ito convincing. Hindi sapat ang mga eksena nila para i-ship mo silang dalawa.
Para sa isang comedy film, ang tamlay ng karamihan sa mga patawa. Para sa isang zombie film, hindi nakakatakot ang make-up at ang mga action scenes.
May hiwalay na istorya ang karakter ni Kim Molina. May kwento rin si Empoy. At may sariling mundo tungkol sa Zombie. Lahat yun ay hindi napagsama at naibahagi.
Naibahagi ni Yanyan De Jesus ang kanyang talento sa pelikulang ito. Pang-best new artist of the year ang kanyang datingan. Dahil sa kanya at sa kanyang karakter, ipagpapatuloy mo ang panunuod.
Hindi man sapat ang ipinakitang kwento para sa mga karakter nina Empoy at Kim. Sapat ang ipinakita ni Yanyan para maramdaman mo ang kanyang istorya. Maganda ang pagkakahulma sa kanyang karakter. Maayos din ang nabuong samahan nina Empoy at Yanyan.
Pagdating sa dulo, nagkaroon ng puso ang pelikulang ito na tila patay nung umpisa. 𝘔𝘺 𝘡𝘰𝘮𝘉𝘢𝘣𝘦 may seem dead at first, but it showed some life and heart before it ends.
MY ZOMBABE
Rating: 2/5
Cast: Empoy, Kim Molina, Yanyan de Jesus, Marnie Lapus, Billy Villeta, Mark Ranel Grabador, Andrea del Rosario, Shirley Fuentes, Gary Lim, Andrew Muhlach, William Noyer, Liz Alindogan, Anjo Yllana
Screenplay by: Juvy Galamiton, Bobby Bonifacio Jr.
Presented by: Viva Films, Studio Viva
Date Released: January 10, 2024 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Storytelling: 1.5
Emotions: 2
Screenplay: 1.5
Technical: 1.2
Message: 1.5
AVERAGE SCORE
My ZomBabe: 1.54
Ang Zombabe ay ginaya sa Holywood na Pelikula ni Nicholas Holt and warm bodies, na kung saan si Nicholas Holt ang Zombie at umibig sa isang babae. Sa pelikulang Zombabe, si Kim Molina ang zombie naman. Sa totoo lang, walang maayos na pelikula ang nagagawa ng ating bansa.