top of page

NANAY TATAY

Nanay Tatay (Sine Sindak 2024)

Written & Directed by: Roni Benaid


Decent story.

Good acting performances.

Poor execution.


Antagal umusad ng kwento. Hindi maganda ang build-up sa mga characters. Hindi ka magiging interesado sa kanila. Habang tumatagal, mas lalong nagiging boring.


Maraming cheap jumpscares tapos failed attempts ang karamihan. Walang epekto ang make-up at yung visuals. Sa sobrang daming pananakot, masasanay at magiging manhid ka na lang sa napapanuod mo. Baka makatulog ka pa nga.


Pagdating sa bandang dulo, dun nila sasabihin lahat ng mga sikreto. May potensyal sana ang istoryang ito, pero walang dating ang pagkakalatag at kung paano ibinunyag ang lahat. Aanhin mo ang magandang kwento kung hindi maganda ang pagkakagawa?


Sayang ang 𝘕𝘢𝘯𝘢𝘺 𝘛𝘢𝘵𝘢𝘺 na ito dahil hindi nila naalagaan kung ano ang meron sila. Hindi nila naipakita kung sino ba talaga sila.


𝗡𝗔𝗡𝗔𝗬 𝗧𝗔𝗧𝗔𝗬

Rating: 0/5


Cast: Aubrey Caraan, Andrea Del Rosario, Heart Ryan, Jeffrey Hidalgo, Elia Illano, Billy Villeta, Xian Vigor

Presented by: Viva Films, Happy Infinite

Release Date: October 30, 2024 in SM cinemas nationwide as part of Sine Sindak Horror Film Festival

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  0

Emotions:  1

Screenplay:  1

Technical:  0

Message:  0

AVERAGE SCORE:  0.4

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page