top of page

NOKTURNO

Nokturno (2024)

Directed by: Mikhael Red


Ang paboritong linya ni Lilet ay huwag buksan ang pinto, pero ang paboritong gawin ni Jamie ay buksan ang pinto. Nugagawen?


Naudlot ang Vivamax story ng ManuJo sa motel. Si Jun ang tito mong puro salita pero walang ginawa. Nandiyan lang si Julius sa tabi-tabi.


Ang nipis ng pagkakasulat sa mga karakter. Wala kang mapapala sa bawat isa sa kanila. Paulit-ulit na lang ang ginagawa nila, tapos wala pang katuturan. Hindi na umuusad ang kwento. Pinapahaba na lang kahit walang nangyayari.


Philippine Folklore, OFW, Family Problems, Door Issues—kahit ano pa yang sinasabi nila, wala kang pakielam. Mas pinagtuunan pa ng pansin ang hitsura ng pelikula kesa sa istorya.


Nakakakilabot sana ang mga multo at ang mga misteryosong elementong nasa likod ng pintuan, ngunit special participation lamang sila sa pelikulang ito. Siguro kung pagsasamahin lahat ng mga horror scenes nila, mas bagay pa siyang maging isang short film.


Pero bilang isang full-length film na may 99 mins. running time, aksaya lang ito sa oras dahil wala silang naibigay. Wala ka ring makita sa ilang eksena dahil sobrang dilim—kahit naka todo na ang brightness.


There’s no doubt that Nadine Lustre is a good actress, most especially with her film 𝘕𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘕𝘰𝘵 𝘓𝘰𝘷𝘦 𝘠𝘰𝘶. However, for this particular movie and in this particular role, her acting is underwhelming and not convincing.


Known for his light comedic roles, Wilbert Ross is surprisingly effective with his dark serious performance. Whether the character is dead or alive, Bea Binene can portray it well. Regardless if the scene is for drama or horror, Eula Valdez can deliver. She’s effortlessly good.


Kahit may maganda kang masabi tungkol sa pelikulang ito, balewala lahat ng iyon dahil ang pinaka-nganibabaw talaga dito ay ang panget nilang script. Nagtapon lang sila ng potensyal sa kawalan.


The whole movie is giving nothing.

Whenever something like this knocks at your door…


Learn to say Noktur-no-no-no!


𝗡𝗢𝗞𝗧𝗨𝗥𝗡𝗢

Rating: 0/5


Cast: Nadine Lustre, Bea Binene, Wilbert Ross, Eula Valdez, JJ Quilantang

Story by: Mikhael Red

Screenplay by: Rae Red, Nikolas Red

Presented by: Viva Films, Evolve Studios

Release Date: October 31, 2024 on Prime Video

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  0

Emotions:  0

Screenplay:  -2

Technical:  3

Message:  0

AVERAGE SCORE:  0.2

WHAT'S YOUR RATING?

  • 5/5

  • 4/5

  • 3/5

  • 2/5



0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page