Pagpag 24/7 (2024)
Directed by: JR Reyes
There’s a kid who dreamt of opening a convenience store near a funeral parlor. He said it’s a good business strategy.
Maganda sana ang plot na yun. Okay din ang mga artista. Swak ang tambalang Jerald Napoles at Nicco Manalo. Pwede silang gumawa ng sitcom together. Bentang benta ang accent ni Nikko Natividad dito.
Nakakatawa ang ilang eksena… Hanggang sa mapansin mo na puro patawa na lang pala ang meron.
Ang istorya ay hindi na napagtuunan ng pansin dahil mas nauuna pa ang mga jokes. Mag-aabang ka na lang kung kailan ang next na punchline. It’s already a comedy show.
Paulit-ulit ang impormasyon tungkol sa pagpag. Maliban dun sa nasabi nila sa unang eksena, wala na silang bagong naibahagi hanggang dulo. Hindi napaglaruan ang pinili nilang paksa.
Makaluma ang atake sa mga eksena. Hindi okay ang mga transition at visual effects. Mukhang peke ang store. Pero hindi naman seryoso ang buong pelikula kaya hindi na rin ito mahalaga.
Kung ginamit sana nila ang kanilang patawa para lumawak ang kanilang paksa, may pag-asa pang maging maganda ito. Pero sa ngayon…
Saan ba pwede mag-pagpag
kung hindi maganda ang pelikula?
PAGPAG 24/7
Rating: 0/5
Cast: Jerald Napoles, Wilbert Ross, Nicco Manalo, Danita Paner, Nikko Natividad, Dindo Arroyo
Story by: Erwin Blanco & Bel Ilag
Screenplay by: Bel Ilag
Presented by: Viva Films, MAVX Productions
Release Date: March 20, 2024 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Storytelling: 0.5
Emotions: 2
Screenplay: -1
Technical: 0.9
Message: 0
AVERAGE SCORE
Pagpag 24/7: 0.48
Where is your fb page?
-0