Pagtatag (Documentary 2024)
Directed by: Jed Regala
Masayang makita ang SB19 sa isang malaking screen. Ang kanilang talento at karisma ang buhay na buhay. Ramdam ang kanilang matatag na samahan buong magdamag. Nakakatuwang makita na maraming nagmamahal sa kanila.
Nakakalungkot lang dahil hindi sila nagbigyan ng isang matinong dokyu.
Maramot ang palabas na ito na magbahagi ng impormasyon at karanasan. Babanggitin nila ang iba’t ibang isyu at problema, pagkatapos ay hindi naman pala nila ito pag-uusapan pa.
Nangangamba raw sila para sa kanilang boses at kalusugan, pero hindi man lang naipakita kung paano nila iniingatan ang kanilang mga sarili. Natatakot sila na baka hindi mapuno ang concert, pero hindi naman naipakita kung paano ito naging sold-out. Bawal gamitin ang pangalang SB19, tapos yun lang ang kaya nilang sabihin. Sinabi nilang self-managed artists sila, pero hindi naibahagi kung gaano kahirap pagsabayin ang iba’t ibang tungkulin na meron sila. Andaming pagkakataon na pwede silang magkwento, pero hindi nila yun ginawa.
Mahina ang editing. Hindi tumutugma ang kanilang sinasabi sa ipinakita nilang eksena. Sasabihin nila na masarap daw sa pakiramdam na may sumasabay sa kanila sa pagkanta, pero ang susunod na eksena ay hindi naman sinusuportahan ang detalyeng iyon. Hindi raw maayos ang kanilang naging performance, pero halos walang eksena para segunduhan iyon. Panay pasasalamat sa A’TIN, pero pinagsiksikan lang sa halos isang minuto ang comments ng fans tungkol sa SB19.
Hindi maganda ang pagkakasulat at pagkakadirek para sa dokyung ito. 75 minutes lang ang palabas, pero mas matagal pa dun ang pakiramdam. Wala ka kasing sinusundang anggulo. Hindi maayos ang agos. Medyo sabog. Halos walang direksyon na nangyayari. Kahit naglalagay sila ng dates at venue sa bawat clip, hindi pa rin ito nakatulong para maramdaman mo yung magkakasunod na tour.
Masyado silang umasa sa mga emosyon. Pero kung gagawa ka ng isang dokyu, mahalaga rin ang mga impormasyon. At bigo silang pagsamahin ito.
Instead of knowing SB19 as a group and as individuals, everything is just the tip of the iceberg. We don’t expect to be spoonfed, but even the basic details about their Pagtatag era challenges are not even found here.
It’s misleading for this to be even called a “documentary” as it fails to provide more information on any particular subject. This is merely a compilation of behind-the-scenes that’s better seen on YouTube.
Yung 500 pesos na pambili ng cinema ticket, mas mainam pa na ipunan na lang para makanuod ng concert nila.
𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗚
Rating: 1/5
Cast: Pablo, Stell, Justin, Felip, Josh
Presented by: 1Z Entertainment, First Light Studios
Release Date: August 28, 2024
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Storytelling: 0.5
Emotions: 2
Screenplay: 0.5
Technical: 1
Message: 1.5
AVERAGE SCORE: 1.1
Truly remarkable
Thank you po for the review. I am also A'tin and a film addict but cannot do this type of review. I also felt something is missing and you were able to put all pf them here. I was also expecting a lot since fan ako ng mga docu nina kara david howie severino and even erwan.
Ako I watched the docu to support SB19 as a fan not expecting perfect or state of the art cinematography, editing or whatever terminology para sa mga professional sa film documentary. Makita ko lang ung journey nila as a group kahit na bitin worth it pa din ang 500