Papa Mascot (2023) Directed by: Louie Ignacio
Isang Mascot ang kumakayod para sa kanyang anak. Pero diumano… hindi raw pala siya ang Tatay?
Nagsanib-pwersa ang KMJS x Magpakailanman x SOCO para sa pelikulang ito.
Walang pahingang drama ala Magpakailanman. Tadtad ng rambulan ala SOCO.
Hanapan ng Tatay at Anak ala KMJS.
Lenten Special na Anniversary Episode na pang TV pero pinalabas sa sinehan.
Maganda sana ang kwento, pero hindi naman sila nag-kwento. Naging acting exhibition na lang siya. Pang-best actor in a worst movie ang datingan ni Ken Chan.
Gamit na gamit ang mga artista, dahil maya’t maya ay pinapa-iyak na lang sila kahit wala pa namang nangyayari.
Nakakarindi ang mga ganapan. Nakakabagot ang mga linyahan. Nakakalunod ang mga iyakan.
Nakakalungkot ang pelikulang ito. Nakakalungkot pagmasdan ang Mascot na ito.
Ito ang Mascot na hindi mo ikakatuwa. Ito ang Mascot na PAPA-alisin mo sa party.
PAPA MASCOT
Rating: 0/5 Cast: Ken Chan in acting exhibition Presented by: Wide International Date Released: April 26, 2023 in Philippine Cinemas nationwide A Movie Review by: Goldwin Reviews
Comments