Paquil (2025)
Directed by: Lemuel Lorca

Lakad nang lakad si Beauty Gonzalez sa bayan ng Pakil, Laguna. Tourism ambassador ang peg niya.
Gusto niyang buhayin ang kanilang kultura. Naglinis ng kanilang simbahan. Namili sa palengke. Nagbuhat ng krus. Kung anu-anong activities ang ginawa niya. Lumipad pa siya sa kalawakan na parang Sailor Moon.
Nung pumasok si JM De Guzman, naging romance ang pelikula. Tapos napunta sa spiritual awakening at violin. Meron din palang teatro at leche flan.
Nagkanda-leche-leche na ang pelikula. Halo-halo na ang paksa. Hindi napaghalo nang maayos ang theater arts, faith, tourism, culture, romance at Sailor Moon. Pinagpatong-patong lang.
Hindi na nila alam kung paano tatapusin ang pelikula. Slow motion na lang tapos crowd shot at aerial view. Ano bang ipinaglalaban nito?
Mukhang serious pa naman sila sa pag-promote dahil may mga sarili itong pages sa Instagram, X, at Facebook. Atsaka heto pa. Kumipat ka. May official website sila. Ang sosyal.
Malinaw ang mga kuha sa trailer, pero pagdating sa mismong pelikula, lumabo na siya. Yung wallpaper sa cellphone ni JM De Guzman, malabo rin. Andaming palya sa editing. Ang lamya ng pagkakakwento.
May mga parts na okay sana. Interesting yung iba nilang pinagsasabi. Swabe ang mga hirit ni JM De Guzman. Maganda yung sagutan nila ni Beauty Gonzalez. Sa pagkakataong iyon, nakitaan mo sila ng potensyal. Pero hindi ito na-sustain.
Sa dami ng gustong sabihin ng pelikula, nawalan ito ng direksyon. In the end, wal tuloy silang na-achieve. Pati pag-promote sa bayan ng Pakil ay hindi naging matagumpay.
𝗣𝗔𝗤𝗨𝗜𝗟
Rating: 1/5
Cast: Beauty Gonzalez, JM De Guzman, Yayo Aguila, Lilet Esteban, Leandro Baldemor, Kych Minemoto, VJ Mendoza, Lui Manansala, Joel Saracho, Argel Saycon, Iyah Mina, Arnold Reyes, Lou Veloso
Story & Screenplay by: Archie Del Mundo
Presented by: Resiko Entertainment Production
Release Date: February 12, 2025 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Storytelling: 1
Emotions: 1.5
Screenplay: 1.5
Technical: 0.5
Value: 0.5
PAQUIL: 1.0
I don't like because their both nothing to watching which "walang talaga sa kuwento".