Pasahero (Sine Sindak 2024)
Directed by: Roman Perez Jr.
Imbes na matakot, maaasar ka lang kay Andre Yllana dahil kitang kita sa big screen na hindi siya marunong umarte. Sobrang blanko ng mukha niya, at hinihila niya lahat ng eksena pababa.
1st runner-up naman si Mark Anthony Fernandez dahil pang-wow mali ang mga reaksyon niya kahit seryoso pala siya.
Kulang pa sa emosyon si Yumi Garcia pero mukhang binibigay naman niya ang lahat. Hindi nakakatakot ang hitsura ni Rafa Siguon-Reyna. Bea Binene, Keann Johnson and Katya Santos had enough moments to show their decent acting skills, while Louise Delos Reyes is truly underutilized.
Hindi maganda kung paano ipinakita ang buhay ng bawat pasahero. Hindi convincing ang nangyari sa loob ng train. Masyadong tanchado ang mga kilos. Hindi natural ang mga usapan at ang mga linya. Hindi malinis ang editing, at halatang nag-iiba ang posisyon ng mga aktor kahit nasa iisang lugar at eksena lang sila.
May dalawang pangyayari na nakakakilabot. Okay din yung mga shots na hinahalintulad ang train sa iba’t ibang lugar—at maganda ang sinisimbulo nito.
Makabuluhan sana ang mensahe ng pelikula, ngunit hindi malakas ang naging epekto nito. Hindi sapat ang kanilang naging mga eksena kaya idinaan na lang sa intro at extro texts para sabihin ang kanilang mensahe. Alanganin din sa timing ang pagpasok ng ilang footages. Hindi nakakatakot ang karamihan sa mga pananakot.
Mamatay man o mabuhay ang mga pasahero,
hindi ka mag-aalala para sa kanila.
𝗣𝗔𝗦𝗔𝗛𝗘𝗥𝗢
Rating: 0/5
Cast: Bea Binene, Louise Delos Reyes, Mark Anthony Fernandez, Katya Santos, Yumi Garcia, Andre Yllana, Dani Zee, Keann Johnson, Rafa Siguon-Reyna
Story & Screenplay by: Juvy Galamiton
Presented by: Viva Films, JPHLiX, BLVCK, Pelikula Indiopendent
Release Date: October 30, 2024 in SM cinemas nationwide as part of Sine Sindak Horror Film Festival
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Storytelling: 0
Emotions: -1
Screenplay: 0
Technical: 0.2
Message: 1
AVERAGE SCORE: 0.04
Comments