top of page

PILYA

Pilya (Vivamax 2024)

Directed by: Dustin Celestino


Tungkol ito sa mga pilyang estudyante. Akala mo walang istorya dahil tadtad ng chukchakan at chismisan. Pero pagdating sa dulo, meron itong iniwan na magandang mensahe.


In a country where fake news is rampant, it’s a good move to spread an important message through a platform that has more than 11 million subscribers.


Habang nagpupulot ng tisyu ang Vivamax viewers, meron din silang mapupulot na aral sa palabas na ito.


Pagdating sa aktingan, pasado ang marka ni Cess Garcia, pasang-awa si Chester Grecia, at bagsak sina Dyessa Garcia at Dani Yoshida. Masyado silang peke umarte.


Karamihan sa mga eksena ay kailangang magsalita ng bida, ngunit hindi siya kapani-paniwala. Mas marunong pa umarte ang supporting cast.


Nakakatuwa ang presensya nina Andi Fei Padilla at Kate Loreno. Kahit puro sila daldalan at chismisan, nakapagbigay sila ng sigla sa mga eksena. Mahalaga ang kanilang naging papel para maihatid ang mensahe ng pelikula.


Maraming oras ang nasayang sa simula. Sobrang haba ng mga chukchakan. Pambata ang aktingan. Corny ang paraan ng pagkwento. Hindi nakakadala ang unang mga eksena.


Sa huling 20 minutes na lang naging okay ang pelikula. Sa mga sandaling iyon, nagkaroon ng mas malalim na kahulugan ang pagiging pilya.


𝗣𝗜𝗟𝗬𝗔

Rating: 2/5


Cast: Dyessa Garcia, Cess Garcia, Dani Yoshida, Chester Grecia, Kate Loreno, Andi Fei Padilla

Episode Writer: Steven Sanchez, Matt Teves

Head Writer: Maya Diaz

Presented by: PCB Film Production, Playtime

Release Date: September 20, 2024 on Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  1

Emotions:  0.5

Screenplay: 2

Technical:  1.5

Message:  2.5

AVERAGE SCORE:  1.5

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page