PostMortem (2025)
Written & Directed by: Tom Nava

Shot Puno tayo everytime na sasabihin nila ang salitang š“š¶š®š±š¢. Bago pa man matapos ang pelikula, sukang suka ka na.
Nakakaumay siyang panuorin.
Walang nangyayari kundi patayan. Nonstop ang mga plot twists. Puro pugot na ulo ang ipinapakita. Sinisi lahat sa sumpa. Paulit-ulit na lang. Nakakasawa na.
Hindi na sila nagkwekwento. Compilation na lang ito ng mga death scenes. Hindi mo nakikilala ang mga karakter. Magpapakita lang sila para mamatay.
Karamihan sa mga cast ay hindi marunong umarte. Nakaka-apekto ito nang lubusan upang maging nonchalant ka sa mga nangyayari. Hindi convincing si Jai Asuncion. Umiiyak pero kulang sa bigat. Zero emotions si Burong Macacua. Blanko ang mukha ni Agassi Ching, at monotonous din siya magsalita.
Biglang nag-iiba ang mood ng pelikula. Ang corny ng mga patawa. Ang peke ng mga linyahan. Hindi malinaw ang kamera. Hindi maganda ang color grading. Masyadong pabida ang musical scoring.
May potensyal sana ang ilang jumpscares tulad nung xerox at sampal scene. Pero watak watak ang mga pananakot. Mabilis mo siyang maisasantabi dahil mas nangingibabaw ang kawalan ng kwento.
Hindi akma ang pamagat na āPostMortemā. Hindi na-examine nang maigi kung bakit ganun ang kinahinatnan ng mga bangkay.
Letās examine ang mga nagawa ng pelikulang ito.
Lagapak sa kwentuhan. Bagsak sa aktingan. Puro pananakot na walang katuturan. Dinaan lahat sa sumpa ang dahilan ng mga patayan.
Everything a horror film shouldnāt be is in here,
making it the main cause of this filmās death.
š£š¢š¦š§š š¢š„š§šš
Rating:Ā -1/5
Cast: Jai Asuncion, Agassi Ching, Alex Medina, Sachzna Laparan, Albert Nicolas, Burong Macacua, Francis Mata, Mike Lloren, Jennica Garcia
Presented by: Square One Studios, WeCamp Entertainment
Release Date: March 19, 2025 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Post Tragic Movie. I hate this movie, make it stop. You so crazy. š”š”š”š”š”
š«/5 don't watch the movie because this is not recommended.