top of page

PRIDE PLAYS: UNICA HIJAS & LARO

In celebration of Pride Month, 2-in-1 plays are being shown at PMC Blackbox Theater, Circuit Makati from June 10 to 25, 2023. The first play UNICA HIJAS (35mins) features lesbian characters. While the second play LARO (90mins) features gay characters.


Nagsimula ang UNICA HIJAS sa simpleng tawanan. Nauwi ito sa magandang iyakan. Maliban sa istorya at sa mga artista, nakatulong ang paggamit nila ng musika upang mas lumabas ang luha sa iyong mga mata. Sa pagpunas ng luha, mas naging malinaw na ang palabas na ito ay maganda.


Hindi mo akalain na ang dalawang karakter na ito ay tuluyang makakapasok sa puso mo. Habang tumatagal ang kanilang usapan, palalim nang palalim ang kapit mo sa kanilang kwento. Ang pinag-uusapan nila ay hindi na lamang para sa kanila. Ito ay pinagdaraanan ng bawat isa. Kasama mo silang nalungkot sa mga problema. Kasama ka ring sasaya sa kanilang tagumpay. Together, let’s fight and win this battle. We deserve to be happy like UNICA HIJAS.


Harutan, halikan at kalibugan ang bumungad sa LARO. Sampung karakter ang nakipag-patintero sa isa’t isa. May mga umangat. Merong bukod-tangi. May hindi magaling. May hindi rin ka-pani-paniwala. Ang nanalo sa huli ay ang mga natutong lumaban—at hindi sila lahat lumaban. Nagsama-sama ang kanilang mga katawan; ang kanilang mga istorya ay hiwa-hiwalay pa rin. Mahaba ang palabas; maikli lang ang kwento. This play can be cut into half, and the end result would be the same. With everchanging rules, life is a game set in the most difficult mode. Strive to win everyday.


Strictly for audiences 18 years old and above, these back-to-back theater plays will both share stories and experiences of the LGBTQIA+ community.


Habang pinapanuod mo ang mga ito, mapapasabi kang malayo na ang ating narating. Marami nang naipanalo. Marami pa ring dapat ipaglaban. Pero sa ngayon, sariwain natin ang sugat at ang tagumpay.


Let’s take pride in these pride plays.



🎫 Show runs from June 10 to 25 at the PMC Spotlight Blackbox Theater, Circuit Makati. Tickets may be purchased at Ticket2Me https://ticket2me.net 


UNICA HIJA Cast: Ash Nicanor, Joy delos Santos

LARO Cast: Phi Palmos, Jojo Cayabyab, Al Gatmaitan, Mike Liwag, Poss Pesigan, Noel Escondo, André Miguel, Shaun Ocrisma, Jeremy Mayores, Gio Gahol

Presented by: Barefoot Theatre Collaborative 


Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2024 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page