top of page

PRINCESS DAYAREESE

Princess DayaReese (2021)

Directed by: Barry Gonzalez


Once upon a time, Reese saw her doppelgänger named Ulap who happens to be a Princess from a far far away kingdom.


Hindi mo alam kung san nanggaling ang kingdom. Basta, lumitaw na lang. Hindi mo alam kung pano nila nahanap ang isa’t isa. Basta, nangyari na lang.


A lot of backstories go untouched with their intention of giving fun times and kilig moments. And it worked for a while.


Nakakatuwa ang mga hiritan at kulitan nila Maymay at Edward. Hindi sila nagkaka-ilangan, kaya naging magaan silang panuorin. Pero hindi nila kayang buhatin ang buong palabas. Kaya’t sa tulong ng iba pang mga artista at sa paglagay ng nakakatawang materyales, naitaguyod ang karamihan ng eksena.


Special mention to Alora Sasam who’s making the funniest facial reactions. The bit players made their marks, despite short appearances. The soundtrack “Isa Pang Ikaw by Justin Vasquez” was used in a playful way, adding more laughs to certain scenes.


Ang pinaka-nakaka-aliw na parte sa pelikulang ito ay ang dialect na kanilang ginamit sa pakikipag-usap. Nag-imbento sila ng mga salita na tunog matalinhaga, pero puro kalokohan lang.


Maraming eksena na alam mong inilagay para pagtawanan lamang, kahit hindi naman siya parte ng istorya. At dahil din ito, naiwan nilang hilaw ang kwento.


Ang mga problema ay nalulutas nang mabilisan. Magkakaroon bigla ng dramahan. At senyales na yun para maging maayos na ang lahat.


Ang pagpapakilala sa mga karakter ay panandalian lang at hindi pinagtuunan ng pansin. Hindi mo sila nakilala sa likod ng kanilang pagpapatawa. Kaya pagdating sa eksena na kailangan nilang mag-drama, nawawala ang bigat ng kanilang luha, dahil walang malalim na pinanghuhugutan.


Ang pagkakaroon ng dalawang mukha ni Maymay ay hindi lubusang nagamit, dahil hindi nahubog nang husto ang personalidad ng bawat isa. Wala ring magandang dahilan sa pangalan na “Reese”. Sadyang ginawa lamang ang pangalan na iyon, para tumugma sa kanilang nais na movie title.


Princess DayaReese is just another romantic comedy flick that doesn’t have a solid story and characters to fall in love with.


PRINCESS DAYAREESE

⭐️


Cast: Maymay Entrata, Edward Barber, Snooky Serna, Epy Quizon, Pepe Herrera, Chie Filomeno, Iggy Boy Flores, Neil Coleta, CJ Salonga, Gold Azeron, Alora Sasam

Presented by: Star Cinema

Date Released: January 1, 2021 via www.KTX.ph

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page