top of page

PUKPOK

Pukpok (Vivamax 2024)

Directed by: Christopher Novabos


Hindi sabay ang kanilang pagbukaka dun sa mga ungol nila. Halatang pinatong lang ang audio. Wala sa hulog ang mga sex scenes. Kulang sa lagkit ang pagkakagawa. Nakaka-distract at ang lakas ng background music. Pang-dramarama sa hapon.


Siesta time ang datingan ng mga eksena. Patay ang energy ng mga artista. Andaming awkward silence. Mukhang pagod na pagod na sila sa paulit-ulit na ginagawa nila sa Vivamax.


Pati editor ay pagod na rin sa pag-edit. Tinadtad na lang ng fade effect transitions ang mga eksena dahil hindi na alam kung paano ito pagdidikitin. Puro milagro kasi ang nangyayari.


May applicant na nagpakita ng abs. Hired na agad siya dahil overqualified daw siya sa lakas ng dating. Yung sweldo ng worker, nilagay ni ate sa kanyang dibdib para dun na daw i-withdraw. Pumasok sa restroom ang boss para tulungan ang secretary magpalabas. Nabuhusan ng tubig sa ate kaya wet na daw siya. Nakikita na rin ang mga plaster.


Nakaasar umarte si Seonwoo Kim dahil wala siyang naibibigay. Imbes na matakot ka sa sigaw ni Rash Flores, matatawa ka na lang. Medyo okay umarte si Arah Alonzo. Bagay sa asaran si Allison Smith.


Sayang ang pamagat na “Pukpok” dahil hindi naman ito nagamit sa mga eksena. Kapos na kapos sa pukpokan at pokpokan.


Nakakalungkot nang manuod ng Vivamax. Hindi na sila palaban sa kwentuhan at sa kalibugan. Kailangan na silang pukpokin para magising at makapagbigay ng magandang erotika.


𝗣𝗨𝗞𝗣𝗢𝗞

Rating: -1/5


Cast: Allison Smith, Rash Flores, Arah Alonzo, Mon Mendoza, Seonwoo Kim

Headwriter: Maya Diaz

Writer: Mark Norman Boquerin

Presented by: Diamond Productions

Release Date: November 22, 2024 on Vivamax (VMX)

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  0

Emotions:  -1

Screenplay:  -0.5

Technical:  -0.6

Message:  -1

AVERAGE SCORE:  -0.62

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page