top of page

PULA ANG BAHAGHARI


Merong props dito na hugis bayag.


Nakasabit sa itaas ng entablado. Nakalambitin at nakalawlaw. Kitang kita ng mga manunuod. Sa una, ito’y pagtatawanan mo. Pero sa huli, yun ang sumasalamin sa dulang ito.


May bayag.


Andaming linya na patama sa mga maling sistema. Handa silang makipag-away para ipaglaban kung ano ang tama. Handa silang sumugod kung kinakailangan.


Hindi nagkaroon ng oras para ipakilala nang maigi ang mga karakter. Derecho agad sila sa awayan at bakbakan. Dahil kulang sa matibay na pundasyon, hindi malakas ang kapit mo sa mga karakter at sa mga nangyayari. May mga usapan silang pwedeng paiksiin dahil paikot-ikot lang. May mga argumento na pwede pang himayin dahil panay pasaring lang. Maganda sana ang mensahe sa dulo ngunit idinaan ito sa pabasa—imbes na ikwento.


Nakakalungkot na hindi gaanong natalakay ang drag. Hindi naitahi nang maayos ang mga drag performances papunta sa mismong istorya. Gayunpaman, nakakatuwa pa ring makita ang mga sayawan.


Sa kabila ng mga kakulangan, may mga ibang bagay silang naiparamdaman. Meron silang ipinaglalaban.


Mula sa mga bidang aktor hanggang sa ensemble, kitang-kita mo ang gigil sa kanilang mga mukha at kilos. Angat na angat ang kanilang pagmamahal sa teatro.


Ang ganitong klaseng pagmamahal ay hindi basta-basta nasisira ng kung sino man. Matapang ang mga batang ito na ipaglaban kung ano ang meron sila ngayon.


Patuloy na magniningning ang bahaghari

ng mga estudyanteng may bayag.


Huwag magpapatinag.

Kapit lang. Laban lang.


Kung lahat ay merong bayag tulad nito,

hindi magiging pula ang bahaghari.



𝗩𝗘𝗡𝗨𝗘:

Lyceum of the Philippines University

(JPL Hall of Freedom)


𝗦𝗛𝗢𝗪 𝗗𝗔𝗧𝗘𝗦:

June 20, 2024 (Thursday) - 1pm & 4pm

June 22, 2024 (Saturday) - 1pm & 4pm


𝗧𝗜𝗖𝗞𝗘𝗧 𝗣𝗥𝗜𝗖𝗘𝗦:

Lycean - 100

Non-Lycean - 200

VIP Front - 300


For Non-Lycean ticket reservation:


Visit Tanghalang Batingaw for more details.

0 comments

댓글

별점 5점 중 0점을 주었습니다.
등록된 평점 없음

평점 추가
bottom of page