
BEST FILM: Dela Cruz, Juan P.
BEST DIRECTOR: Sean Rafael Verdejo
BEST ACTRESS: Sharmaine Buencamino
BEST ACTOR: Jasper John
BEST SUPPORTING PERFORMER: Precious Paula Nicole
BEST CHILD PERFORMER: Angela Jane Delgado
BEST SCREENPLAY: Sean Rafael Verdejo
BEST CINEMATOGRAPHY: Robert Pareja
BEST PRODUCTION DESIGN: Andrea Jayne Perang
BEST EDITING: Adelbert Abrigonda
BEST SCORING: John Zoilo Tolentino
BEST SOUND: Elian Idioma
BEST ORIGINAL SONG: “Talo”composted by Jose Paulo Dela Cruz / interpreted by Joel Garcia
BEST ENSEMBLE: Sine-Sine

SHORTS A
TAYMPERS (3/5) - Hindi lang siya cute pero nakakadala ring umarte yung batang bida na si Atasha Eve Franco. May mas igaganda pa ang Q&A portion at ang revelation scene. Pero hindi sayang ang inyong taym dito dahil pers goal nila ang magkwento.
MOTHER AT SIXTY (3/5) - Bagamat kapos sa teknikal na aspeto at hindi nakulayan ng maganda, may kulay at buhay ang huling eksena. Nanaig ang magandang samahan. Bagamat nakakainis ang simula at gitna, masarap pakinggan ang mga nangyayari sa dulo hanggang credits.
CANCER DIN ANG ZODIAC SIGN MO? (0/5) - Gaya nga ng sabi ng nanay ni Miguel Tangelix… Okay na’to. Wapakels kung hindi maganda, basta ang mahalaga ay nakapagbigay sila ng pag-asa.
SA PAGBUNGA (0/5) - Hindi ramdam ang bunga ng pinaggagawa nila. Pero good job pa rin para kay Benjie Belena bilang Lolo Ely.
LET’S GO SOMEWHERE ELSE (2/5) - Supported by a beautiful musical scoring, Neal Patrick and Timothy Morales shared a palpable chemistry that elevated the movie. The intensity of their words didn’t quite align with the moments shown. The ending is sweet, but the overall flow could’ve been better and could’ve gotten somewhere else.
UWIAN (3/5) - Ang sarap uwian ng ganito kagandang visuals para ilahad ang isang kwento tungkol sa tahanan. Minsan, mas nangingibabaw ang cinematography kesa sa direction. Magandang tingnan ang huling eksena, ngunit hindi nakakapaso. Nasa mukha ni Geraldine Villamil ang lungkot. Inaanyayaan ka ng musika na pakinggan siya. Ang pagbigay ng patingi-tinging impormasyon ay nakatulong upang dahan-dahan mo siyang makilala. Hindi ka mabibigla sa malalaman mo, ngunit nauunawaan mo siya.

SHORTS B
1…2…3… STRIKE!!! (2/5) - Ito ang tunay na Sepak Takraw sa Puregold CinePanalo. Makikita mo ang sportsmanship at friendship. May totoong laban na nangyari. Meron silang goal at direksyon. Kapos sa acting department. Sumobra sa mga quotable quotes. May sipa ang musical scoring, ngunit kulang pa sa tama ang mga eksena. Hindi tuluyang naka-strike, pero at least sinubukan.
SI NADIA AT ANG KANYANG MGA KURO-KURO (2/5) - Nananapaw ang scoring at sound design. Akala mo kung anong nangyayari pero wala pa pala. Andaming paandar sa mga eksena, pero hindi cohesive tingnan. Hindi meaty ang bawat chapter, pero may dating ang naging huling kuro-kuro. Maganda na inihalintulad ang pagsusulat sa totoong buhay. Ang bumubuhay sa pelikula ay si Yani Villarosa.
CHECKMATE (0/5) - Wala masyadong bonding na nabubuo sa kanilang paglalaro. Kung kaya’t hindi exciting panuorin ang game. Masyadong pilit ang symbolisms. Andaming sinasabi, pero kulang sa gawa. Ang pinaka-check dito ay ang kanilang kanta.
DAEAURA (2/5) - Magaling ang batang bida si Angela Jane Delgado. Magtataka ka kung anong iniisip niya sa mga bagay-bagay. Matagal bago sila nakarating sa kanilang gustong puntahan. Isang bagsakan sinabi ang lahat na parang isang malakas na pagbuhos ng ulan. Ramdam ang pagbuhos ng luha ng karakter—kasabay ng nakakadalang kanta. Tahan na. Sisikat din ang araw mula sa mga ulap.
PAPUNTA KA PA LANG, NAKA-BOUNCE NA AKO (3/5) - Consistent ang atake sa pagkwento. Sasabihin nila kung ano ang gusto nilang sabihin. Hindi lang sila puro salita, dinadaan din nila sa gawa. May mas igagaling pa sana ang pag-arte. Gayunpaman, give na give pa rin sila sa mga eksena. It’s beautiful and heartwarming how this movie utilized its title to connect the age and wisdom of two opposing characters. The song “Pinipili” by MATÉO complemented the last scene. Kahit corny at ang off minsan, naka-bounce pabalik ang pelikulang ito dahil ang empowering ng kanilang mga mensahe.
CHAMP GREEN (1/5) - Mahina ang koneksyon ng mag-ama mula simula hanggang gitna. Wala masyadong tensyon na nabubuo. Mas babad sa mga shots kesa sa mga karakter. Kung kaya’t kahit champion ang naging ending, hindi ganun kalakas ang dating.

SHORTS C
SISENTA! (4/5) - Ang buhay ng senior ay nabigyan ng panibagong kulay. Masayang panuorin. Nakakadala ang mga harutan. Thank you for making us feel that age is just a number. If turning sixty is going to be this fun and inspiring, then we wouldn’t have it any other way. Let the life begin. Life starts at 𝘚𝘪𝘴𝘦𝘯𝘵𝘢! Read full here.
DITO, DATI (4/5) - Makapangyarihan ang nagawa ng musika. Nahugot ang magagandang ala-ala. Kung dati ay handa ka ng sumuko, dito ngayon ay nagkaroon ka ng motivation na ipaglatuloy ang laban. Iiyak, magmumura, pero hindi susuko. Kapit lang. Laban lang. Read full here.
SINE-SINE (4/5) - Nangibabaw ang kanilang natural charm at comedic timing. Lahat may aliw factor. Lahat ng cast ay may ambag sa pagpapatawa. Kung ganitong palabas ang madadatnan mo sa sinehan… oh kay sarap talagang mag-sine-sine. Read full here.
DAOG/PILDI (1/5) - Daog ang hitsura, ngunit pildi kung paano pinagtagpi-tagpi ang mga eksena. Hindi ka tuluyang makapasok sa laban nila dahil puro suntok at panay nagmamadali. Take it easy so we can savor the scenes.
SAMPIE (2/5) - Halatang sinasadya ang pagtawag sa pangalang Sam at Pie. Hindi nasulit ang sampayan concept. Nakaka-distract na biglang lumalabo ang eksena. Gayunpaman, naging tapat sila sa pagkwento. Gaya ng makukulit na bata, hindi sumuko ang pelikulang ito sa paghatid ng kanilang mensahe. Paulit-ulit nilang sasabihin at ipapaalala. Derechan at walang paligoy-ligoy. Matapang ngunit tumatanggap din ng pagkakamali.
OUR ONE AND ONLY BAB(O)Y (0/5) - Walang samahan na nabubuo sa paggitan ng mag-asawa at dun sa baboy. Nakababad masyado sa mga shots at naiwan ang mga karakter sa background. Kulang sa sincerity ang pag-deliver sa mga lines.

SHORTS D
SA SUSUNOD SISIKAT SI SUSAN (0/5) - Halatang scripted ang mga usapan. De timer kung kailan magsasalita ang bawat family member. Labag sa pakiramdam ang mga pinagsasabi nila. Hindi nakakatawa ang mga patawa. Nakaka-turn off ang ilang mga hirit at mga pangaral.
NANAY’S FRANKENSTEIN (0/5) - Okay sana ang akting nung lalaki, pero sobrang nakaka-distract nung sound design. Ang abrupt ng flow. Alanganin ang editing. Ang hirap panuorin. Nakakamanhid sa pakiramdam.
JAPAN SURPLUS (0/5) - Magandang tingnan, pero hindi nakakadala ang mga usapan. Ang tamlay kung paano inexplain ang mga Japanese terms. Hindi rin natural ang aktingan.
G! (1/5) - Plus point dahil sa magandang visuals ng game na ginawa nila. Pero hindi nakaka-enganyo panuorin ang mga laban. Hindi ramdam ang bawat talo at panalo. Hindi mo masundan ang pangunahing karakter sa kanyang paglalakbay.
DAN, EN POINTE (2/5) - Sharp movements but the acting fell flat. Impressive editing but the imageries and visuals can overpower special moments. Pressure is seen and heard but not felt. Ballet talent is captured; more like an art exhibition than a movie experience.
DELA CRUZ, JUAN P (4/5) - From being resilient to being clowns, Juan doesn’t deserve to be treated this way. While exaggerated, the scenes mirror the essence of reality. This film serves as a resumé of the Philippines, where it can get surreal, ridiculous and heartbreaking. Ang kadalasang pinagdaraan ng isang Juan ay matagumpay na nakuhanan ng pelikulang ito. Read full here.
Comentarios