top of page

RED FLAG

Red Flag (Vivamax 2024)

Directed by: Lakambini Morales


Isang Car Sales Agent ang nakikipagsex sa mga customers para makabenta. Red flag ba yun?


Pwede kang mag-bulag-bulagan. Ganun talaga siguro kapag tinamaan ka.


45 minutes lang ang pelikula. Maraming sex scenes ngunit meron ding kwento. Okay yung simula at yung dulo. Paulit-ulit yung nangyayari sa gitna, at pwedeng mas umiksi pa.


Panay silang banggit ng mga red flags, pero hindi gaanong naipapakita ang mga ito. Mas maganda sana kung unti-unting nadaragdagan ang listahan ng mga red flags ni kuya.


Masyadong OA yung mga lantarang landian sa harap ng ibang tao. Taliwas ito sa mga karakter nila.


Pang-Vivamax ang mga harutan.

Pang-romcom ang mga linyahan.


Sobrang cheesy at corny ng mga pinagsasabi nila, pero napanindigan naman nila. Nakakatuwang pakinggan kasi feel na feel pa nila ang pagkakasabi.


Ramdam ang potensyal ni Micaella Raz kapag umiiyak na siya, pero kapag normal na usapan lang ay hindi ito natural pakinggan. Bagay kay Mhack Morales ang kanyang role. Kailangan tulakin pa si Mon Mendoza para mailabas niya ang nararapat na emosyon sa kanyang mga eksena.


Maraming red flag ang pelikulang ito. Pero may green flag din naman. Sa lahat ng 45-minute movies ng Vivamax, eto na yung sinubukang magkwento nang matino.


RED FLAG

Rating: 1/5


Cast: Micaella Raz, Mon Mendoza, Mhack Morales, Joana David

Story by: Kiko Abrillo

Written by: John Carlo Pacala, Lakambini Morales

Headwriter: John Carlo Pacala

Release Date: April 26, 2024 on Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  1

Emotions:  1.5

Screenplay:  1.5

Technical:  1.1

Message:  2


AVERAGE SCORE

Red Flag:  1.42

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page