top of page

REROUTE

Reroute (2022)

Directed by: Lawrence Fajardo


Four characters cross paths

as they enter the darkest route of their lives.


Apat na bida ang nag-tagisan ng husay.


Nakakadala ang galit ni Sid Lucero.

Magaling mang-inis si Nathalie Hart.

Nakakatakot si John Arcilla.

Dama mo ang takot ni Cindy Miranda.


Maayos ang pagganap ng apat na bida.

Ngunit kulang-kulang ang pagkakasulat sa mga karakter nila.


Hindi mo alam bakit mahal ni Cindy Miranda si Sid Lucero—kahit panay sigaw at mura lang naman ang sinasabi nito.


Hindi mo mawari bakit sinasamba ni Nathalie Hart si John Arcilla—kahit puro sindak at drama lang naman ang ipinamalas nito.


Hindi mo maunawaan bakit ganun ang asal at ugali ni Sid Lucero. Hindi siya nabigyan ng pagkakataon na ipaliwanag ang sarili.


Tanging ang karakter lang ni John Arcilla ang ginawan ng kwento. Ngunit hindi pa rin sapat para mahulog ka sa mga patibong niya.


Isang oras siyang nagpakitang gilas ng kanyang kakayahan bilang aktor. Paikot-ikot lang ang kanyang ginagawa. Kulang na lang ay maging solo movie niya ito.


Despite the lengthy exposure, his character is still half-baked. Only his bad sides were highlighted, conditioning you to despise him and not to empathize with him.


The film’s technical aspects are decent. The direction is promising. The scoring is perfect. The editing is neat. The cinematography looks glamorous. The black and white shots conceal the blood stains, but they were able to maintain its goriness.


If the screenplay rerouted its focus to shape every character, this film could’ve lead to a better and stronger path. But they lingered on just one angle and failed to reroute.


REROUTE

⭐️⭐️


Cast: John Arcilla, Nathalie Hart, Sid Lucero, Cindy Miranda

Presented by: Viva Films

Date Released: January 21, 2022 via Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page