top of page

RESPETO

Respeto (Cinemalaya 2017)

Directed by: Treb Monteras II


Isang binatang naghahangad ng respeto

ang hindi marunong rumespeto

sa ibang tao.


Worthy of respect, this rap musical film serves as a voice to the unspeakable truth the country is continuously facing.


Ang sarap pakinggan ng mga balagtasan na pinag-uusapan ang mga kaganapan sa ating bayan. Walang tapon sa bawat salitang tinatapon, dahil katotohanan ang kanilang inaahon. Hindi lang tenga ang dapat gamitin. Kailangang bukas din ang isip upang maintindihan ang kanilang sinasambit.


Laking tulong ng Netflix subtitles dahil mas malinamnam ang mga salita kapag parehas mo itong nakikita at naririnig.


Magaan ang samahan ng mga artista, kahit minsan ay kailangan pa ng konting gigil at tensyon. Kulang din sa istorya ang bawat karakter. Gayunpaman, ramdam mo ang tambalang Dido dela Paz at Abra na tila mag-ama na ang turingan. Kahit baguhan, marunong si Abra na makipagsabayan sa mga batikan. Andaming sinasabi ng titigan nilang dalawa ni Kate Alejandrino.


Maganda ang paghubog sa mga liriko at ang paglawak ng mga berso. Nagsimula ito sa mga mabababaw na pananaw. Mula sa panlalait sa panlabas na kaanyuhan ng isang tao. Hanggang sa naging mas mapanuri. Hindi na lamang tao ang pinupuna. Kundi ang sistema. From body shaming to country shaming real quick.


Ang kawalan ng respeto sa tao

ay napunta sa kawalan ng respeto sa bayan.


Harap-harapang bastusan.

Punong-puno ng kawalanghiyaan.

Karapat-dapat bang i-respeto ang ating bayan?


RESPETO

⭐️⭐️⭐️⭐️


Cast: Abra, Chai Fonacier, Silvester Bagadiong, Nor Domingo, Loonie, Kate Alejandrino, Dido dela Paz

Presented by: Arkeo Films, Cinemalaya

Date Released: August 2017 on Cinemalaya, March 3, 2023 via Netflix

A Movie Review by: Goldwin Reviews


p.s. Not a fan of this film when it was released years ago. But it’s a different story after rewatching it now. Habang tayo’y tumatanda at mas maraming nalalaman tungkol sa bansa, mas nangingibabaw ang ganitong pelikula na hindi lamang maangas ang pagkakagawa kundi may bigat at katotohanan rin ang mga salita.

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page