Rewind (MMFF 2023)
Directed by: Mae Cruz Alviar
A husband wants to rewind the moment when her wife was still alive.
Nakakahawa ang ngiti at tawa ni Marian Rivera rito, pero mas lumalabas ang puso niya kapag siya’y nagagalit na. Kailangang makinig sa mga sasabihin niya.
Napakagaling ni Dingdong Dantes. Malakas ang kapit mo sa kanya dahil buong buo niyang ginampanan ang kanyang karakter. Magagalit at maaawa ka nalang minsan sa kanya dahil sa ginagawa niya rito. Siya ang nagdala ng buong pelikula.
Andaming ibang mga karakter dito na nasayang at hindi nagamit nang lubusan. Halos dumaan lang sina Coney Reyes, Ariel Ureta, at Lito Pimentel. Hindi tuloy ramdam ang kanilang pagiging magulang dito. Marami pang iba na isa o dalawang beses lang din ipinakita.
Nabigyan ng sapat na oras si Joross Gamboa para magpatawa kaya maaalala mo siya. Masaya siyang makita sa mga eksena.
Gamit na gamit ang kantang “Sa Susunod Na Habang Buhay” ng Ben&Ben. Bagamat maganda at nakakadala ang kanta, nakasalalay dito kung iiyak kaba o hindi. Masyado silang umasa sa kanta. Hindi gaanong tumulong ang scoring.
As the lead actor and actress, Dingdong Dantes and Marian Rivera did their best, but the script and direction weren’t enough. The movie heavily relied on the chemistry of DongYan, failing to establish them as partners in this story.
Mahirap maramdaman na sila ay mag-asawa dito sa pelikula dahil fast forward ang datingan ng mga eksena. Nagmamadali silang magkwento. Narration ang naging pundasyon ng kanilang love story. Patingi-tingi ang awayan. Saglit lang ang lambingan.
Hindi nasusulit ang mga usapan nila. May mas igaganda pa ang mga linya. May mga diskusyon na hindi na lumalalim pa. Ang mga realisasyon ng bidang karakter ay mabilisan lang din.
Gusto mong i-slow motion ang bawat sandali para mas manamnam mo ito. Pero hanggang rewind lang ang nagawa nila.
Masarap panuorin ang mga sandaling sila ay naging masaya. Gusto mo itong balik-balikan. Duon mo nararamdaman kung paano sila bilang mag-asawa.
The last montage shown in the movie was heartfelt.
The lines accompanying that montage was perfect.
Merong maganda at hindi gaanong magandang bahagi ang istorya.
Kung papanuorin mong muli ang pelikula,
maaaring iilan lang ang iyong balikan
at hindi ang kabuuan.
Rewind para sa iilan at hindi sa kabuuan.
REWIND
⭐️⭐️
Cast: Marian Rivera, Dingdong Dantes, Coney Reyes, Lito Pimentel, Ariel Ureta, Sue Ramirez, Pepe Herrera, Via Antonio, Joross Gamboa, Chamyto Aguedan, Pamu Pamorada, Ina Feleo, Jordan Lim
Story by: Enrico C. Santos, Joel Mercado
Screenplay by: Enrico C. Santos
Presented by: Star Cinema, APT Entertainment, Agosto Dos
Date Released: December 25, 2023 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
🎫 WIN MMFF PASSES BY JOINING HERE: https://www.goldwinreviews.com/post/mmff-2023-passes
For me, Rewind is one of the best entry for 72nd MMFF. Kung binase man ang story sa IF ONLY 2004, mas binigyan ng kulay ng DongYan ang Rewind. Mas maganda ang sequence. Maybe it's just a typical story with a twist of fictional story, pero bawi naman sila sa message ng story. Pang pamilya, pang magjowa, at pang magkaibigan. Kebs na kebs din sa delivery ng mga lines at emotions na dapat ibigay sa bawat eksena. Kudos sa Production at Director esp sa DongYan. Deserve ang 5/5💜🙌🏻
For me, this is basically another "Who Lives and Who Dies" concept with rewind mechanics.
As someone who really enjoyed the movie, I kind of disagree with the "sinayang characters". Hindi naman sila laging kailangang gamitin or sulitin. The movie heavily relied on the chemistry of DongYan and DongYan themselves, kaya hindi naman as in "nasayang" ang ibang karakter.
Totoong iilan lang ang 'yong babalikan at hindi ang kabuuan. Kaya para sa 'kin, 4/5 ang Rewind.
Pipiliin mo bang maghintay
para sa susunod na habambuhay?
Ibang klase at magaling pero effortless ang arte ng DongYan. Sa dahil mag-asawa sila, hindi mo aakalaing nanonood ka pala ng pelikula kasi tila sinasaksihan mo ang totoong buhay nila sa likod ng kamera.
Paulit-ulit nilang tinutugtog ang kantang Sa Susunod na Habambuhay ng Ben&Ben kahit sa masasayang senaryo, hindi man lang gumamit ng masayang kanta na pasok sa eksena.
Ang ibang gumanap, hindi gaanong nabigyan ng pagkakataon para lubusang makilala. Medyo susulpot sila bigla ng ideya sa mga diyalogo para maintindihan kung bakit ganoon sila.
Maganda ang naging mensahe ng pelikula pero hindi gaanong ipinakita sa madla. Ang pag-rewind nila ay sakto lang para takpan ang mga naging butas ng…
Hahaha ok pla eh pg baklaan ang best nila alm na this