top of page

ROOFTOP

Rooftop (2022)

Directed by: Yam Laranas


Anim na estudyante ang nag-party sa rooftop.

Pero nauwi ang party sa isang trahedya.


Nakaka-miss manuod sa sinehan kasama ang barkada. Tapos wala kayong gagawin kundi magsigawan at magtakutan.


Heto ang naibigay ng pelikulang ito.


Garapal ang pananakot. Nakakadala ang malakas na tunog. Mabilis ang mga pangyayari. Hindi nakaka-inip panuorin. Masaya ang batuhan ng linya ng mga artista.


The actors have good rapport. Every actor is in his or her element. Rhen Escaño, being animated and loud, is fun to watch. Ella Cruz and Marco Gallo had cute and naive moments. Ryza Cenon cried effective tears.


Matagumpay sina Marco Gumabao at Andrew Muhlach na inisin ang mga manunuod dahil sa kanilang pagganap.


Epy Quizon is perfect for the role—transforming from a shy type to a gruesome character. The prosthetics looked eerie on dim lights, but looked unrealistic when exposed.


The main problem in this movie is that

there’s no story to look forward to.


Walang saysay ang takutan at habulan kung hindi mo naman kilala ang naghahabulan.


Walang epekto ang patayan kung hindi ka naman natatakot para sa kanilang buhay.


Patalon-talon minsan ang mga eksena na hindi na naaayon sa tamang takbo ng istorya. May mga isinisingit na ibang kwento para lang manakot basta-basta.


Pang-rooftop ang sigawan.

Pero nakabaon sa lupa ang kwentuhan.


ROOFTOP

⭐️⭐️


Cast: Ryza Cenon, Marco Gumabao, Ella Cruz, Rhen Escaño, Andrew Muhlach, Marco Gallo, Epy Quizon

Date Released: April 27, 2022 on SM Cinemas

Presented by: VIVA Films, Aluid Entertainment, Imagine Per Second

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page