top of page

SA MULI

Sa Muli (2023) Directed by: Fifth Solomon


Isang pagmamahalan ang pilit pinapatay. At kada 50 taon, ito’y muling nabubuhay.


Sina Ryza Cenon at Xian Lim ang bumubuhay sa pelikulang ito. Aabangan mo kung paano nila bibigyang buhay ang kanilang mga karakter mula sa iba’t ibang henerasyon—at nagawa nila yun nang maayos.


Sa tuwing sumisigaw si Ryza, nailalabas niya lahat ng kanyang galit sa mundo. Sa tuwing nanunuyo si Xian, nakikita mo ang kanyang kakulitan at determinasyon.


Magaling ang dalawa, ngunit hindi ka mahuhumaling sa pagmamahalan nila.


Masyadong umasa ang pelikulang ito sa narration upang ibahagi ang kanilang kwento. Masyado ring umasa ang mga karakter sa reincarnation upang diktahan ang kanilang pwedeng maramdaman.


Them getting to know each other and them falling in love are always explained by narrations and reincarnation. As a result, the journey turned to shortcuts.


In the absence of a journey, the movie’s scoring and soundtrack were able to bring magic to the scenes.


The song “Panghabang-buhay” (composed by Raffy Calicdan and interpreted by Xavier Hermano) captures the essence of the story. It’s one of the best original movie soundtracks this year.


Alam nila kung kailan sila magpapatugtog o tatahimik na lang. Nakikiramdam sila sa emosyon ng mga karakter. Dadalhin ka ng musika sa kung ano ang nararamdaman ng mga karakter sa mga oras na iyun.


Maganda ang mga pinuntahang lugar sa Batangas at sa Quezon. Bagay ang mga disenyo at hitsura nito para sa kanilang konsepto. Ngunit hindi ito nasulit para maipakita ang iba’t ibang henerasyon ng pagmamahalan. Damit at kilos lang ang nagbabago. Ang paraan ng pamumuhay at ang pagmamahalan ay hindi gaanong naipakita. Hindi nagamit ang nakaraan para sa mga nangyayari sa kasalukuyan.


The reincarnation concept was not maximized to further add colors and variations to the love story. The ending also makes you question the integrity of love.


Ang pagmamahalan bang nawala na ay karapat-dapat pa bang manumbalik muli ?

O baka naman ito na lang ay ipinipilit ?


SA MULI

⭐️⭐️ Cast: Ryza Cenon, Xian Lim, Candy Pangilinan, Bob Jbeili, Andrea Babiera, Andrew Muhlach, Josef Elizalde, Pepita Curtis, Francis Mata Presented by: Viva Films Date Released: April 26, 2023 in Philippine Cinemas nationwide A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page