SABIK
- goldwinreviews
- 2 days ago
- 1 min read
Sabik (VMX 2025)
Written & Directed by: Dado Lumibao

Panget siya hindi dahil maraming sex scenes
kundi dahil sa story, sa direction at sa acting.
30 minutes napunta lahat sa flashback. Tinambak lahat sa dulo. Sobrang haba ng revelation part. Sunod-sunod ang plot twists. Isang bagsakan sinabi lahat. Parang tinamad na magkwento.
Maliban dun, ang alanganin ng pagkakasulat. Mahirap lang ang karakter tapos nag-hire pa siya ng sex investigator. Halatang naglalagay sila ng mga kontrabida para lang pahirapan ang mga bida.
Maraming tao sa dorm tapos naka-loud speaker habang nagbabayis. Sobrang awkward ng confrontation scene na may tutukan ng baril habang salitan ng kantutan sa may waterfalls. Tapos ngawa sila nang ngawa na tama naaaa.
Nakaka-highblood ang walang effort na aktingan ni Athena Red. Pwede siyang sumali sa walang emotion contest. Kalaban niya si Reina Castillo. Hindi nakakatakot si VJ Vera. Keri lang yung ibang artista.
Ang cringey ng mga lines. Nakakairita yung ginawa nilang Playtime advertisement. Pero mas playtime pa rin ang mga karakter dahil hindi mo masundan mga trip nila sa buhay. Ang inorganic ng mga nangyayari. Pinaglaruan lang sila ng script.
𝘚𝘢𝘣𝘪𝘬 ang pamagat ng pelikula,
pero hindi siya nakakasabik panuorin.
More like nakakawalang gana.
𝗦𝗔𝗕𝗜𝗞
Rating: 0/5
Cast: Angela Morena, Athena Red, Benz Sangalang, VJ Vera, Van Allen Ong, Reina Castillo, Roxy Dejano, Yvonne Adarna
Presented by: Infinity Talent Management
Release Date: April 25, 2025 on VMX (Vivamax)
A Movie Review by: Goldwin Reviews
תגובות