Scorpio Nights 3 (2022)
Directed by: Lawrence Fajardo
A Boy who’s a voyeur, pervert and rapist.
A Girl who doesn’t know her worth.
A Man who just likes to shoot.
Put them together every night.
You have Scorpio Nights.
Deadly and Empty.
Mukhang nakakatakot ang pelikula.
Pero halos wala itong laman.
Dumaan ang dalawang oras nang hindi mo nakikilala ang mga karakter. Kung bakit nila ginagawa ang mga bagay-bagay.
Magaling si Gold Aceron. Pero wala kang makukuha sa karakter niya kundi ang pagka-manyak sa babae.
Nakakadala si Mark Anthony Fernandez. Pero hindi mo alam bakit mahilig siya sa putukan. Wala na siyang ibang plano sa buhay.
Disente umarte si Christine Bermas. Pero hindi nabigyan ng hustiya ang pagka-babae niya rito. Ginawa lang siyang parausan nang walang dahilan.
Nakakagulat ang pinapakita,
pero hindi naman kapani-paniwala.
There’s noticeably fake penis and fake gunshots.
Most scenes are also unrealistic and foolish.
Andaming tao sa paligid pero walang nakakakita.
Anlakas ng boses pero walang nakakarinig.
May mga eksena na hindi mo alam kung paano umabot duon. Biglang papasok sa kwarto. Biglang nagkaroon ng relasyon. Biglang may bagong kanta na inaawit. Saan ba sila nanggaling.
May mga isyu na pinapakita, pero hanggang pagba-balita lang ang kaya nilang gawin.
The cinematography, the scoring and the editing are worth mentioning. The beauty of these technical elements doesn’t deserve the entirety of this movie.
Nakakalungkot panuorin.
Lonely is the Night
when it’s Scorpio Nights.
SCORPIO NIGHTS
⭐️
Cast: Christine Bermas, Gold Aceron / Gold Azeron, Mark Anthony Fernandez
Presented by: Viva Films
Date Released: July 29, 2022 via Vivamax
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Comments