top of page

SEPAK TAKRAW

Sepak Takraw (2025)

Directed by: Mes De Guzman


Ang usapan Sepak Takraw

pero ano itong ipinakita nila?


Isang oras na pero wala pa ring sepak takraw. Natapos na’t lahat lahat pero walang napuntahan ang istorya. Sobrang naligaw. Walang direksyon ang pelikula.


Wala silang gana magkwento. Isang bagsakan sinabi ang backstory. Naglagay lang ng maraming texts sa screen para ipaliwanag ang mga nangyayari. Nagpakita na lang ng magagandang ulap at tanawin para pagtakpan ang kawalan ng istorya.


Mabilis humugot ng emosyon si Enzo Osorio. Biglang siyang maiinis, magagalit, iiyak, pero hindi ito nakakagulat panuorin. Magaling siyang manipa ng emosyon para saluhin ng manunuod.


May chemistry sina Enzo Osorio at Nicollo Castillo bilang magkapatid, ngunit hindi ito lubusang nagamit. Hindi convincing si Acey Aguilar bilang tatay. Ramdam ang husay ni Ruby Ruiz.


Nakakahiya sa mga artista.

Hirap na hirap na silang buhatin ang pelikula.


Pagkatapos ng palabas, isang malakas na sipa na lang sa upuan ng sinehan ang magagawa mo.


Imbes na Sepak Takraw,

mapapasabi kang Anoraw?


Ang nawawalang sepak takraw ay nasipa

papunta sa bilog nating marka.


𝗦𝗘𝗣𝗔𝗞 𝗧𝗔𝗞𝗥𝗔𝗪

Rating: 0/5


Cast: Enzo Osorio, Nicollo Castillo, Acey Aguilar, Ruby Ruiz

Release Date: March 14-25, 2025 at Gateway for Puregold CinePanalo 2025

A Movie Review by: Goldwin Reviews

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2024 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page