SINE-SINE (Student Short Film 2025)
Directed by: Roñino Dolim

Etong pelikula ay isang patunay na hindi kelangan ng bigateng epeks at magarbong kamera para makapagbigay ng tuwa at saya sa manunuod. Nangibabaw ang kanilang natural charm at comedic timing. Walang tapon sa mga eksena. Lahat may aliw factor.
Lahat ng cast ay may ambag sa pagpapatawa. Pang-best ensemble ang datingan. Nararapat lang na bigyan ng romcom movie sina Ethan Lloyd Loyogoy at Princess Jean Daulat dahil ang kanilang tambalan ay sing-tamis at sing-sarap ng Tang orange.
Kay sarap nilang panuorin. Ramdam na ramdam ang kanilang pagmamahal sa sine. Ang cute ng pagkakakwento. Nakaka-LSS ang kanta. Huling-huli nila ang kiliti ng manunuod. Patok ito sa takilya.
Kung ganitong palabas ang madadatnan mo sa sinehan… oh kay sarap talagang mag-sine-sine.
𝗦𝗜𝗡𝗘-𝗦𝗜𝗡𝗘
Rating: 4/5
Cast: Ethan Lloyd Loyogoy, Princess Jean Daulat, Khalil Sebastian Evardone, Roxanne Rojero, Jennifer Evardone, Jessa Esabelle Romano, Jeter Nicart, Alvin Salazar, Roxanne Rojero, Angelo Corona, John Fil Sibangan, Ford Matthew Ocino, Eddie Arca
Screenplay by: Krishna Tan, Jasper Galicio
Release Date: March 14-25, 2025 at Gateway for Puregold CinePanalo 2025 (under Shorts Set C)
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Comments