Here's a 6-in-1 musical play kung saan lahat ng mga kalahok ay virgin. Ibig sabihin, first time nilang gagawin ito sa buhay nila. Magugulat ka dahil yung iba sa kanila ay hindi halatang first timer. Mukhang sanay na sanay na. Deserve nilang palakpakan.
Ramdam niyo ang potensyal. Yung iba sa kanila ay ready na sa full-length musical at play. Darating ang araw na mapupuno nila ang mas malaking venue at mas makikilala sila sa kanilang larangan. Nakaka-proud na maging bahagi at makita ang simula ng kanilang journey.
Nakakatuwa rin na merong ganitong platform na nagbibigay ng opportunity para sa mga new breed of directors, writers and theater actors.
SHORTS & BRIEFS 10:
THE MUSICAL (2024)
🎭 6 Original Musicals featuring 6 New Directors, 6 New Composers, 6 Sets of Actors
🎫 Php 600 (6 shows for the price of 1)
🗓️ October 26-27, 2024 at the CCP
📞 For tickets, message or viber 0954-395-3902
See below for the individual reviews
(arranged according to order of appearance)
1 of 6: SAKTO LANG
(Karlo Guevarra & Migui Moreno)
Cast: Daniel Santos & Vanessa Dulay
This is sweet and nakakakilig. Sa una ay nakikinig ka lang… hanggang sa tinamaan ka na sa kanilang love story. Simple lang ang kwento, pero may dating ang presentation. May taglay siyang cuteness at charm na naipaparating nila sa kanilang mga kanta at usapan.
Sakto lang ang kanilang ending, pero hindi lang basta sakto ang boses ni Vanessa Dulay. Maganda at magaling siyang umawit. Klarong klaro ang kanyang liriko kung kaya’t mas naradama ang mga eksena.
2 of 6: ANG KWENTO NG BUBUYOG AT PARU-PARO
(Aaron Alsol aka Wibomibo & Aaron Vincent Jimenez)
Cast: Mateo Oladive & Radleigh
Mahina ang kanilang boses. Hindi malinaw ang lyrics at kulang sa energy ang mga rap parts nila. Walang connection na nabubuo sa paggitan ng mga karakter. Hindi rin masyadong nagamit ang ilaw at tunog para mailarawan ang kanilang kwento.
3 of 6: TALA
(Martin Sarmenta & Jiezl Virmy Chua)
Cast: Francel Go & Pamy Villa
Dalawang corporate slaves ang nag-uusap tungkol sa kanilang trabaho at pangarap. Yung isa ay bata pa at yung isa ay matanda na. Malinaw ang pagkakaiba ng kanilang pananaw. Nailatag nila nang mabilisan ang kanilang punto at kwento.
Nakakagigil ang kanilang usapan. Damang dama ang tensyon hindi lamang sa paggitan ng dalawang karakter, kundi sa paggitan ng kanilang trabaho at pangarap.
Both actresses are convincing, being able to provide a constant push and pull in their positive and negative energies. They can share their thoughts better when they talk—compared to when they’re singing. The discussions are actually more remarkable than the songs—making this piece more suited as play than a musical.
4 of 6: DISYEMBRE
(AXL Diego & Ray Raña)
Cast: Erhik Gonzaga, Maureen Delos Reyes, Don Joseph Budoso
Kwela si Don Joseph Budoso. Cute umarte si Maureen Delos Reyes. Walang chemistry na nabubuo sa paggitan nina Maureen at Erhik, pero ramdam ang friendship sa kanilang grupo. Masyadong matagal ang mga usapan. Sayang ang pagkakataon na idaan sana sa mga kanta ang kanilang sinasabi. Kulang sa paggawa ng dramatic moments para magkaroon ng kirot ang huling sandali
5 of 6: NAKASILIP NA BITUIN
(Gerard De Leon & Hazel Madronero)
Cast: Kaith Lawrence Espinosa, Samantha Renee Tan, Mark Jhonsen Bognot
Unang linya pa lang ni Kaith Espinosa ay mapapatawa ka na kaagad. Sa pagpapatuloy ng kanyang sinasabi, ang ngiting yun ay unti-unting napalitan ng kalungkutan dahil ramdam mo ang paghihirap na nararanasan ng kanyang karakter.
Maayos na kaagapay si Mark Jhonsen Bognot. Maniniwala ka na silang dalawa ay magkapatid sa kwentong ito dahil naiintindihan at pinapakinggan nila ang isa’t isa.
Medyo alanganin lang ang nangyaring sigawan at awayan nila, pero mapapatawad mo sila kaagad dahil mas nangingibabaw ang pagmamahal mo sa magkapatid na ito.
Kaith and Mark know how to talk to each other not only through discussions but also through songs. There’s harmony whenever they sing together. Their voices blend well with each other, making their bond stronger.
This musical utilized their songs well to better communicate their message. Even with just humming, Kaith can still share her feelings.
Aside from witnessing a beautiful musical, you’ll also witness the birth of a new theater star by the name of Kaith Espinosa. This is her first time doing a musical—and with her remarkable debut performance, she’ll definitely go places in this industry.
Sa pagkakataong ito, hindi na lang nakasilip ang bituin sa kanya dahil nasa katauhan na niya ang pagiging bituin na nagniningning.
6 of 6: KASLOY (Bukas Itutuloy)
(John Cluster & Paulito Del Mundo)
Cast: Presh Capistrano, Lev Vergara
Both actors need further guidance to bring out the best moments from their story. The events leading to their song launch were monotonous. Nonetheless, Presh Capistrano has a sweet beautiful voice—making this play more of jamming session than a theatrical musical experience.
Comments