top of page

SOSYAL CLIMBERS

Sosyal Climbers (2025)

Directed by: Jason Paul Laxamana


Kapag pinanuod mo ito, akala mo maiinis ka sa kanila at sa issue nila sa totoong buhay. Pero hindi. Mas nakakainis ang script at ang mismong pelikula.


Mabigat ang problema ng mga karakter, pero ambabaw ng naging repercussion at resolution. Hindi naipadama ang kanilang paghihirap at pagdurusa. Na-romanticize lang ang pagiging criminal.


May utang silang 2.6 million na kailangan nilang bayaran sa loob ng dalawang buwan. Hindi ramdam ang pressure papunta sa deadline. Walang pangangamba kung mabuko man sila o hindi.

Playful sana ang mga ideas kung paano nila ito malalagpasan. May pagkakataon na masayang makita na pinaglalaruan nila ang kahinaan ng mayayaman. Hindi nakakagulat ang pagiging uto-uto nila. Pero ibang level ang katangahan nila rito. Ang hirap paniwalaan ng mga eksena.


Mayayaman daw ang mga nakatira sa Vineyard Hills, ngunit hindi halata. Tinipid ang production design. Hindi lumabas ang rich vibe ng community.


Hindi ramdam ang pagmamahalan ng mga karakter. Sobrang unnecessary nung paglakad sa bubog. May tendency silang mang-gaslight sa isa’t isa, imbes na mag-usap nang masinsinan. Kulang sa pagiging sinsero ang mga eksena.


Nakaka-walang-gana pakinggan ang mga linya.

Instead of getting inspired, you’ll settle for less. May mga social issues silang isinisingit kung saan saan, pero walang pinapatunguhan.


Ginalingan nina Maris Racal at Anthony Jennings, ngunit binigo sila ng proyekting ito. They keep climbing to overcome their mountain of issues, but this movie just pulls them down.


𝗦𝗢𝗦𝗬𝗔𝗟 𝗖𝗟𝗜𝗠𝗕𝗘𝗥𝗦

Rating: 1/5


Cast: Maris Racal, Anthony Jennings, Carmi Martin, Cheska Iñigo, Bart Guingona, Ricky Davao, Marissa Sanchez, Shaiana Gomez, Jan Silverio, Esnyr, Marnie Lapus, Kakai Teodoro

Story by: Patrick Valencia, Jericho Aguado, Jason Paul Laxamana

Screenplay by: Jericho Aguado, Jason Paul Laxamana

Presented by: ABS-CBN Studios, Netflix

Release Date: February 27, 2025 on Netflix

A Movie Review by: Goldwin Reviews

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2024 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page