Sponsor (VMX 2025)
Written & Directed by: Albert Langitan
![](https://static.wixstatic.com/media/ec7bd9_8b75d2430deb4a42b704f0553cba912c~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_980,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_avif,quality_auto/ec7bd9_8b75d2430deb4a42b704f0553cba912c~mv2.jpg)
1 hour ang kadalasang screentime ng Vivamax movies nitong nagdaang mga buwan. Ngunit sa isang pambihirang pagkakataon, 2 hours ang naging haba ng pelikula ngayon.
Nakatulong ba ito?
Mas humaba lang din ang mga sex scenes. Nakakainip ang mga usapan. Inconsistent ang atake sa mga eksena. Ang cringey kapag sila’y nagpapatawa. Ang waley kapag sila’y nagdadrama.
Mon Confiado is perfect for the role. Hindi sapat ang ipinakita ni Van Allen Ong. Pwedeng magsama sa isang comedy movie sina Krista Miller at Jem Milton dahil nakakatawa at basta-basta lang silang umarte.
Ang OA umarte nung tatay sa pelikula. Hindi siya nakakaawa. May chemistry sana ang magkapatid na sina Angela at Micaella, ngunit hindi nasulit ang pagsasanib-pwersa nilang dalawa. Hindi ramdam ang kanilang pagsisikap para tulungan ang kanilang tatay. Mukha lang silang sabik makipagsex.
Okay na nilagyan ng malakas na ungol ang paglalaro at pagkapanalo sa Playtime para maiba naman ang atake sa kanilang advertisement.
Kahit mahaba ang pelikula, naubusan pa rin ng oras para ilatag nang maayos ang kanilang plottwist. Ang anti-climactic nung pagbunyag sa sikreto. Masyadong mabilisan ang paghihiganti. Yun sana ang pinaka-magandang parte ng istorya pero minadali pa nila.
Kahit hindi maganda ang pagkakalatag sa mga eksena, maganda na nabigyan ng pagkakataon na magdesisyon at lumaban ang kakabaihan sa istoryang ito. Ganitong anggulo sana ang magkaroon ng mas maraming producer at sponsor.
𝗦𝗣𝗢𝗡𝗦𝗢𝗥
Rating: 1/5
Cast: Angela Morena, Mon Confiado, Micaella Raz, Krista Miller, Jem Milton, Van Allen Ong, Vic Tomano, Bobby Martino, Mark Dionisio
Story by: Albert Langitan
Release Date: January 31, 2025 on VMX (Vivamax)
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Comments