Stranded (2019)
Directed by: Ice Idanan
Two complete strangers got stranded inside a building due to full lockdown and heavy typhoon. With no means to escape, they make the most out of the day.
The main plot lights up your curiosity, creating anticipation to each of the character’s move.
Aabangan mo kung paano mag-uusap ang dalawang hindi magkakilala. Aabangan mo kung ano ang mga pwede nilang gawin. Aabangan mo kung kailan sila makakalabas at kung anong mangyayari pagkatapos nun.
Hanggang abang ka na lang.
Kung paano sila mag-usap sa unang eksena ay walang pinagkaiba sa huli nilang eksena. Hindi mo ramdam na hindi sila magkakilala. Hindi mo rin ramdam na lumalim ang samahan nila. The development is deficient.
Hindi mo alam kung bakit ganun ang mga mga naging desisyon nila sa buhay. Bigla na lang silang gagawa ng mga bagay kahit taliwas sa pagpapakilala sa kanila. The characterization is incoherent.
Nawalan ng sariling buhay ang mga karakter. Pinapa-ikot sila ng script nang walang ka-laban laban. They were not given the chance to think and grow gradually.
The characters seem like movable pawns that need to arrive at a certain checkpoint, for the movie to show their whole concept. The basis of each move lacks motive and strategy.
Ang importante ay makarating sila sa ending na planado na simula palang. Kahit hindi napagplanuhan kung paano sila makakapunta duon.
The ending colliding with its main plot showed the potential beauty of this movie — which remains to be untapped til the end.
If only the story was character-driven and not script-oriented, Jessy Mendiola and Arjo Atayde wouldn’t be stranded into lockdown.
STRANDED
Rating: 0/5
Cast: Jessy Mendiola, Arjo Atayde
Presented by: Regal Entertainment, Inc.
Date Released: April 10, 2019 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Comments