top of page

SUNNY

Sunny (2024)

๐˜—๐˜ฉ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฆย ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏย ๐˜ฐ๐˜งย ๐˜ขย ๐˜’๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ข๐˜ฏย ๐˜ง๐˜ช๐˜ญ๐˜ฎย ๐˜ฐ๐˜งย ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆย ๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฆย ๐˜ต๐˜ช๐˜ต๐˜ญ๐˜ฆ

Directed by: Jalz Zarate


May luhang hanggang pisngi lang dumadapo.

May luhang umaabot hanggang puso.


Ang pelikulang ito ay nakarating sa puso.


Maraming alaala ang binalikan at mapapa-isip ka sa iyong kinabukasan. Paglipas ng maraming taon, may magandang araw ka pa kayang daratnan? Nakamit mo ba ang lahat ng nais mong makamtan?


Hindi sila nagmamadaling magkwento kaya ang mga eksena ay mananamnam mo. May pundasyon na binubuo sa bawat karakter na kakapitan mo.


Kahit maraming bida, lahat sila ay binigyan ng halaga. Kahit tumanda na sila, makikilala mo pa rin sila dahil may kanya kanya silang personalidad. Kahit maiksi lang ang exposure ng ibang artista, malakas pa rin ang naging dating nito dahil sa kaakibat nitong istorya.


Walang pumalya ni isa sa kanila pagdating sa aktingan. Ramdam mo ang pagkakaibigan nilang lahat. Ito ay isang samahan na masarap subaybayan. May aral na dala ang bawat karakter.


Parating nakakahanap ng paraan si Candy Pangilinan na bigyang buhay ang mga eksena. Swak si Abby Bautista bilang batang Candy dahil parehas silang maligalig. Nakakatuwang makita ang dalawang personalidad ni Sunshine Dizon sa pelikula. Kahit wala masyadong linya si Aubrey Caraan, tumatatak ang kanyang mga ginagawa. Kahit saglit lang ipinakita si Ana Roces, maaalala mo ang kanyang mukha.


Bagay maging kontrabida si Andrea Babierra. Patindi nang patindi ang kanyang galit sa tuwing siya ay lumalabas. Effortless ang pagiging group leader ni Bea Binene, at ramdam mo pa rin ito sa karakter ni Angelu De Leon. Hindi mo pagdududahan na iisang tao lang sina Heaven Peralejo at Vina Morales dahil parehas sila ng ibinibigay na enerhiya. May angking lalim nung sila ay naging isa.


Maganda ang editing at ang ilang mga kuha. Naitatahi nilang maigi ang nakaraan at kasalukuyan. Ang color grading ay inayon din sa panahon kung kailan ito nangyari. Nakakadala ang musika at ang mga kanta.


May hidwaan na hindi nagkaroon ng maayos na usapan. May tanong na nakakailang at hindi angkop dahil maraming taon nang hindi nagkikita. May karakter na kulang sa redemption. Ang anggulo ng pagiging isang magulang at isang anak ay hindi na nasundan.


Kahit may mga pagkukulang, namayagpag pa rin ang magandang samahan. Tulad ng araw na kahit hindi mo parating nakikita, ang mga kaibigan ay nandyan lamang. Parating nakaabang.


Hindi lumubog ang pelikulang ito dahil angat ang kanilang mensahe tungkol sa pagkakaibigan. Ang sinag nito ay tagos sa puso at isipan.


Umaraw man o umulan,

maliwanag ang taglay nitong kagandahan.


SUNNY

Rating: 4/5


Sinong paborito mong karakter?

  • Annie

  • Becky

  • Chona

  • Dang


Cast: Vina Morales, Angelu De Leon, Candy Pangilinan, Sunshine Dizon, Tanya Garcia, Katya Santos, Ana Roces, Heaven Peralejo, Bea Binene, Aubrey Caraan, Abby Bautista, Ashtine Olviga, Ashley Diaz, Heart Ryan, Andrea Babierra, Marco Gallo, and Xia Vigor

Written by: Mel Mendoza Del Rosario

Presented by: Viva Films, CJT Entertainment

Release Date: April 10, 2024 in Philippine cinemas nationwideย 

A Movie Review by: Goldwin Reviews

Storytelling: 4

Emotions:ย  4.5

Screenplay:ย  3.5

Technical:ย  3.5

Message:ย  4


AVERAGE SCORE

Sunny:ย  3.9


3 comments

3 Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
Guest
Jun 13, 2024
Rated 4 out of 5 stars.

My favorite Ms. Bea

Like

paguiosylvia21
Apr 12, 2024

Syempre walang iba king ang nag iisang idol ng buhay ko si angelu de leon a.k.a..์กฐ๋‚˜,,CHONA.... Sobrang sulit ang pag uwi ko para lang panoorin sya at suporthan, walang sayang,sobrang nakakatuwa at nakakaiyak tagos sa puso at naibalik ang mga samahan ng barkada....solid

Like

Rated 5 out of 5 stars.

Looks interesting! I'm considering seeing this sa sinehan.

Like
bottom of page