top of page

SWEET RELEASE

Sweet Release (Vivamax 2024)

Directed by: Pancho Maniquis


3 lonely people went on a roadtrip for a release.


Naglakbay sila, pero masyadong pilit ang mga stopover at hindi worth it ang end destination. Hindi maganda ang continuity. Hindi lumalago ang mga usapan. Hindi ramdam ang mga character development. Wala kang makapitan sa kanila.


Tirik na tirik ang araw, pero andaming tao sa night bar. Ginamit na naman ang girl-on-girl sex para sa kalibugan. Merong karakter na kleptomaniac at feeling niya ang cool niya. Nagkaroon ng drag lip sync performance, pero wala namang sound. Parang ewan. Sayang lang ang exposure ni Aries Night.


Hindi malinis ang editing. Pang-youtube ang cinematography. Ang video quality ay 720p na biglang nagiging 360p. May nakipagsex na kita ang plaster. Paano siya makakapag sweet release niyan?


Lagapak sa aktingan ang karamihan sa mga Vivamax stars.


Nagsama ang OA at ang nonchalant. Parang parating lasing si Ataska. Samantalang si Mhack Morales ay walang ka-emo-emosyon.


Sigaw na nga lang ang gagawin ni Horace Mendoza, hindi pa niya magawa nang maayos. Halatang inilagay lang si Jem Milton para sa sex scene. Si Dyessa Garcia na ang pinaka-matinong umarte rito.


May chance sanang maging sweet ang plot nito,

pero hindi masarap ang pagkakasulat at pagkakagawa. Hanggang release lang tuloy ang na-achieve nila.


SWEET RELEASE

Rating: 0/5


Cast: Ataska, Dyessa Garcia, Mhack Morales, Horsce Mendoza, Jem Milton, Nathan Cajucom, Aries Night, Anthony Dabao, Jonica Lazo, Mae aandres, Beaulah

Story & Screenplay by: Pancho Maniquis, Alex Blanco

Release Date: April 11, 2024 on Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling: -0.5

Emotions:  -0.5

Screenplay:  0

Technical:  0.2

Message:  0


AVERAGE SCORE

Sweet Release:  -0.24

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page