Swing (2023) Directed by: RC delos Reyes
A couple wants to try “swinging” or to have sex with other people’s partners.
Pang-Vivamax ang mga sipingan. Pang-Sitcom ang panimula. Pang-Dramarama ang ilang eksena. Pang-Teleserye ang mga kaganapan. Pang-Imbestigador ang mga plot twists. Pang-SOCO ang ending.
Pa-swing-swing sila sa mga ginagawa nila.
Andaming gustong mangyari. Umabot na sa ikatlong yugto ang kwento ng teleserye. Kung saan saan umikot ang istorya, pero ang paksang “swing” ay hindi gaanong naitalakay. Masyadong limitado ang naipakita nila tungkol dito.
Sobrang nalihis ang istorya mula sa pinaka-unang eksena. Nag-iiba ang pelikula kada usad nito. Hindi rin nagkaroon ng hustisya ang pagiging nanay at tatay ng mga karakter sa istorya. Sobrang kawawa ang bata sa pelikula.
Hindi makatotohanan ang ilang kaganapan. May mga kulang na eksena at hinahanap mo kung asan. Andaming problema na pinapalampas na lang. Tapos isang bagsakang diskusyon lang ang inilaan para talakayin lahat ng mga naipong problema.
Nananapaw ang scoring. Hindi nakaka-akit ang mga kuha. Hindi magaling umarte ang karamihan sa mga artista.
Sina Jane Oineza at RK Bagatsing lang ang marunong umarte rito. May mga linya sila na maganda ang pagkakasambit. Sa mga pagkakataong iyun, paniniwalaan mo sila. Pero hindi ito sapat para mag-swing ang luob mo pabalik sa mismong pelikula.
Ang gulo-gulo pa rin nila. Nagsimula sa baby. Tapos photography. Naging sex workshop. May sabwatan na nangyari. May kalokohan sa huli.
The movie title represents the nonstop swinging of the story.
SWING
Rating: 0/5
Cast: Jane Oineza, RK Bagatsing Presented by: MAVX Productions Release Date: August 30, 2023 in Philippine cinemas nationwide
*Watched last August 8, 2023 via advance screening held at the Sine Pop A Movie Review by: Goldwin Reviews
Comments