Maraming bida sa Tabing Ilog The Musical. Sa una, malilito ka pa kung sinu-sino ang bawat karakter. Bago matapos ang palabas, kilala mo na silang lahat.
May kanya-kanya silang oras
para magpakitang-gilas.
Nakakatuwang panuorin sina Omar Uddin (bilang Andoy) at Jude Hinumdum (bilang Badong). Palaban sa bosesan sina Jordan Andrews (bilang James) at Vino Mabalot (bilang Fonzy).
Maganda ang boses ni Jhoanna Robles pero minsan ay hindi ito naririnig sa buong teatro. Andi Abaya’s voice is not that stable and powerful but the character fits her well. JL Toreliza has the looks of a matinee idol but his live singing and stage acting need improvement. Sometimes, his words are not clear and the emotions are lacking.
Nangingibabaw ang galing sa pagkanta at pag-arte ni Miah Canton (bilang Corrinne). Maganda ang kanyang boses at klaro ang pagbigkas niya ng mga salita sa tuwing siya’y kumakanta.
Sa bawat paglabas ni Lance Reblando (bilang Meow) sa entablado, maikli man o mahaba ang kanyang linya, paniguradong nag-iiwan siya ng marka. Maayos din ang naging pagganap nina Neomi Gonzales, Red Nuestro, Vyen Villanueva, at Teetin Villanueva.
Ang ilan sa mga kanta ay nagiging maganda pakinggan dahil magaling ang mga kumakanta. Habang ang ibang kanta ay lumilipas na lang dahil hindi nakakanta nang maayos. Nakakalungkot na walang totoong tubig sa set at hindi gaanong ramdam ang visuals na ipinapakita. Ngunit ramdam naman ang samahan ng barkada.
May saya. May kilig. May lungkot. May pagpapahalaga sa mga kaibigan. Iba’t ibang emosyon ang kanilang naipadama. Disente umarte ang karamihan sa mga artista. Mabilis sundan ang kwento.
Magpadala ka lang sa agos ng 𝘛𝘢𝘣𝘪𝘯𝘨 𝘐𝘭𝘰𝘨. Kahit saan ka man anurin, tiyak na sa dulo ay makikitaan mo ito ng ganda at halaga.

Comments