Talahib (Sinag Maynila 2024)
Written & Directed by: Alvin Yapan
Slasher film na nakakaantok.
Bubuka bunganga mo hindi para sumigaw kundi para humikab. Duguan na sila at nagsasaksakan pero wala pa ring epekto. Hindi nakakatakot. Nakakainis lang panuorin.
Hindi mo kayang seryosohin ang mga karakter. Joketime parati ang ginagawa ng mga pulis. Parang nilagay lang sila diyan para pagtawanan. Merong mga OA at meron ding nonchalant pagdating sa aktingan. Hindi marunong umarte ang karamihan sa kanila.
Hindi nakaka-demure ang pagkaka-kulay sa mga eksena. Naninilaw na si Gillian. Naging blue na si Joem. Hindi mindful ang pagkakasulat sa istorya. Andaming butas. Ang peke ng mga usapan. Ang mga isyu ay binalewala na lang. Sakit sa tenga ng sounds. May mini magic show sa kabaong.
Ampanget ng anggulo ng kamera. Mas mahihilo ka kesa sa matakot. Nakakainip dahil sobrang bagal nilang maglakad parati. Antagal nilang mag emote sa talahiban.
Bahala na kung hindi nakakagulat at hindi nakakatakot… basta mapanindigan nila ang pamagat nilang Talahib. Bahala na kung panget ang istorya at ang aktingan… basta kailangan nilang maglakad sa may talahib.
Hindi matatago ng talahiban ang umaalingasaw na kapangitan ng pelikulang ito.
𝗧𝗔𝗟𝗔𝗛𝗜𝗕
Rating: 0/5
Cast: Joem Bascon, Kristof Garcia, Gillian Vicencio, Jess Mendoza
Presented by: Feast Foundation
Release Date: September 4-10, 2024 at Gateway, SM Cinemas (NCR), Robinsons Manila & Galleria, and Market Market
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Storytelling: -0.5
Emotions: -1
Screenplay: 0
Technical: -0.6
Message: 0
AVERAGE SCORE: -0.42
Comments