top of page

TEACHER'S PET

Teacher’s Pet (VMX 2025)

Written & Directed by: Sigrid Polon


Andaming isyu sa palabas nato.


Upang makapasa, nagpatira ang estudyanteng si Tanya sa kanyang guro. Ilan taon makalipas, naging isang ganap na guro na rin si Tanya. May karelasyon siyang estudyante, si Kyla. Nahuli sila ng isa pang estudyanteng si Robin. Nagtatluhan sila. Pagdating sa dulo, naglaho na lang yung guro.


Ang hirap maging malibog kung ganito kagulo ang mga nangyayari.


Mahirap na ngang maging guro, tapos bababuyin lang ng palabas na’to. Hindi na nga maayos ang sistema ng edukasyon dito sa Pinas, tapos mas naging baluktot pa dahil dito.


Walang matinong guro ang makikipagsex sa public place at sa estudyante pa. Tapos kung makakilos siya akala mo kung sino pang santa. Walang matinong eksena sa paaralan at ginawang costume na naman ang uniporme. Walang resolusyon at walang kahit anong pagtangkang ayusin ang mga problemang sinimulan nila.


Medyo kapani-paniwala ang akting ni Apple Dy. Alanganin umarte si Micaella Raz dito. Masyadong magaling si Gold Aceron para mapasama sa cast. Okay ang hitsura ng pelikula. Maganda rin ang scoring na ginawa ng SEP Pilipinas at ni Pau Sena. Kapag papakinggan mo lang, akala mo ay isang matinong pelikula ang pinapanuod mo.


Hindi sapat na maglagay lang ng mga sex scenes. Bigyang halaga rin ang kwento at kung anong posibleng dulot nito sa mga manunuod. Sa ginawa nilang iyan, tinapakan at ibinagsak nila ang isang propesyon para lang umangat ang libido.


2025 na, pero nananatili pa ring tuta ng kalibugan ang Vivamax. Sana umusbong na ngayong taon ang mga writers at directors na siyang magpapa-angat sa sining ng erotika.


𝗧𝗘𝗔𝗖𝗛𝗘𝗥’𝗦 𝗣𝗘𝗧

Rating: 0/5


Cast: Gold Aceron, Micaella Raz, Apple Dy

Presented by: Diamond Productions, Playtime

Release Date: January 3, 2025 via Vivamax (VMX)

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2024 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page