The Blind Soldiers (2023)
Directed by: Ronald Adamat, Marinette Lusanta
5 men become soldiers to fight for the country—even if they are not initially qualified. Are they fighting blindly?
Mabilis sundan ang kwento. Hindi ka mawawala. Maraming detalye lang ang nawawala.
Hindi mo makikilala nang lubusan ang limang bidang karakter. Hindi ka convinced sa kanilang samahan. Mapapatanong ka sa mga desisyon nila sa buhay. Ang mga pamilya nila ay hindi rin gaanong naipakita. Bigla-bigla na lang silang susulpot.
Madaratnan mo ang ilang Filipino ethnic groups tulad ng “Téduray”, pero kaunti lang ang naibahagi nila tungkol rito.
Si Ronald Adamat ang isa sa mga direktor at isa rin sa mga bida. May isang eksena na naging invincible siya ala 𝘈𝘯𝘨 𝘗𝘳𝘰𝘣𝘪𝘯𝘴𝘺𝘢𝘯𝘰 dahil kahit anong pagbabaril sa kanya ay hindi siya tinatamblan. Bidang bida ang datingan niya.
Si Long Mejia ang pinaka-nakakatuwang panuorin dahil nabigyan niya ng sigla ang kanyang mga eksena. Hindi magaling si Soliman Cruz sa pelikulang ito. Sina Gary Lim at Bong Cabrera ay kulang pa sa mga eksena upang sila’y mapansin.
Hindi maganda ang editing. Halatang peke ang mga visual effects. Hindi malinis ang captions. Si Soliman Cruz ay naging “Solaiman Cruz” pa. Mali ang aspect ratio. Stretched ang hitsura ng buong pelikula. Malabo ang aerial shots. Minsan ay hindi tugma ang audio at video. May nagsasalita pero walang boses.
Sinubukang ng pelikulang ito na maging matino, ngunit mas nangingibaw ang kanilang kakulangan.
This film went to the battlefield unarmed
and that’s how they lost the battle.
THE BLIND SOLDIERS
⭐️
Cast: Ronald Adamat, Gary Lim, Long Mejia, Bong Cabrera, Soliman Cruz, Sue Prado, Apollo Sheikh Abraham, Jun Nayra, Jorybell Agoto, Win Buenaventura, Georgina Servilla, John Vincent Servilla, Jude Matthew Servilla, Jojit Lorenzo
Presented by: Empowerment Film Production
Release Date: September 15-19, 2023 at SM Cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
댓글