The Caretakers (2025)
Directed by: Shugo Praico

Kaabang-abang ang mga nangyayari. Paunti-unti, meron kang nalalaman tungkol sa kanila. Pero hindi mo alam kung totoo ba yun o hindi. Kaya naghihintay kang mabunyag lahat ng sikreto.
Meron silang mga chapter names na lumalabas sa screen maya’t maya, pero hindi siya masyadong nakatulong para maging buo ang kwento. With or without the chapters, the movie remains the same.
Malaking tulong ang musical scoring para kabahan ka sa nangyayari. Hindi kasi sapat na makita lang yung mismong eksena dahil hindi siya nakakatakot tingnan. Child-friendly ang hitsura ng mga creatures. Gayunpaman, nakakaintriga pa rin kung ano ba talaga sila.
Doon ka kumakapit sa mismong istorya at kung hanggang saan nila ito kayang dalhin.
May potensyal sana ang mga batang aktres na sina Althea Ruedas at Erin Espiritu, pero hindi sapat ang mga eksena nila para maipamalas nila yun.
Ashley Sarmiento has on and off moments. Marco Masa and Erika Clemete are both fine. Altogether, the presence of these teenagers are not entirely felt.
Jake Taylor’s acting is unnatural. Even though lacking in facial reactions, Inka Magnaye’s modulated voice helped in adding a little tension to the scenes.
Nakakatuwang panuorin ang aktingan nina Iza Calzado at Dimples Romana. May silent conflict na namumuo sa kanila. Maganda ang dynamics. Parehas silang babaeng palaban at ayaw magpatalo. Sayang dahil hindi nasulit ang kanilang pagsasama.
Bitin ang kanilang face-off. Pasimula pa lang pero tinapos agad. Ready ka na sana sa paparating pang tagisan at labanan, pero hanggang doon lang pala siya.
Mixed emotions sa nangyaring ending. Hindi mo alam kung matatakot ka ba, matatawa o maiintriga. Kahit anong emosyon pa yan, walang nangibabaw sa mga yan.
Maganda ang pagkakalatag sa mga eksena para hindi ka bumitaw hanggang dulo. Consistent ang pagbigay ng unsettling mood. Hindi natatapos ang mga katanungan hanggang sa pinakahuling kaganapan.
Maintaining curiosity towards the story was easily taken care of by this film.
Beyond the movie characters, it’s actually the filmmakers who successfully act as the caretakers of the story, preserving our interest till the end.
𝗧𝗛𝗘 𝗖𝗔𝗥𝗘𝗧𝗔𝗞𝗘𝗥𝗦
Rating: 3/5
Cast: Iza Calzado, Dimples Romana, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Erika Clemente, Althea Ruedas, Erin Espiritu, Jake Taylor, Inka Magnaye
Screenplay: Shugo Praico, John Carlo Pacala
Presented by: Rein Entertainment, Regal Films
Release Date: February 26, 2025 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Storytelling: 3.5
Emotions: 3
Screenplay: 2.5
Technical: 3.5
Value: 2.5
CARETAKERS: 3.0
Idol Goldwin panonoorin ko ito dahil sayo 😊