top of page

THE ENTITLED

The Entitled (2022)

Directed by: Theodore Boborol


Isang babae mula sa laylayan

ang biglang yumaman.


Anak pala siya ng mayaman.

Kailan. Saan. Papano nangyari lahat ng yan.

Hindi natin malalaman.


Basta ang importante.

Makapag-punch line si Alex Gonzaga.


Maganda sana ang istorya.

Kung tungkol ito sa kahirapan at karangyaan.


Andaming pagkakataon kung saan pwede nilang pag-usapan ang antas ng pamumuhay, ang liit ng sweldo, ang napag-aralan at kakayahan, ang pananamit at ang hitsura.


Pero hindi nila ginawa.


Hindi mo papaniwalaan ang istorya.

Kulang-kulang ang mga kaganapan.

Hindi rin maganda ang pagkaka-edit sa pelikula.

May mga eksenang bigla na lang lilitaw.


You’ll stay with this movie

because of the tandem of Alex and Melai.


Alex Gonzaga’s energy is consistent from start to finish. She’ll do anything to get your attention—even though it’s inappropriate and insensitive.


Melai Cantiveros is effortlessly adorable. Everything she says can be humorous with her animated expressions.


Minsan nakakatawa dahil sa kalokohan nilang dalawa.

Minsan nakakapangloko dahil sa kakulangan ng istorya.


Mas magandang pamagat ang “The Untitled”,

dahil hindi alam ang pinaglalaban nito.


Andami pang dapat ayusin sa pelikula.

Sana hindi muna ni-release.


THE ENTITLED

⭐️


Cast: Alex Gonzaga, Melai Cantiveros, JC de Vera, Ara Mina, Andrea Abaya, Johnny Revilla

Presented by: TinCan Films

Date Released: July 29, 2022 via Netflix

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación
  • facebook
  • X
  • instagram
  • youtube
  • letterboxd
  • gmail

Goldwin Reviews

© 2024 Goldwin Reviews. All Rights Reserved

bottom of page