The Gatekeeper (2024)
Directed by: Matthew Rosen & Dean Rosen
An antique dealer consults with a rabbi
about a mysterious item.
Nung una, interesado ka pang malaman kung saan ba talaga galing yun. Makikinig ka sa mga research at usapan nila. Hanggang sa naging history lesson na lang siya.
Imbes na manuod ka ng pelikula, para kang nakikinig ng podcast episode dahil puro sila daldalan. Imbes na ipakita ang mga kaganapan, sasabihin na lang nilang lahat.
Pasulpot-sulpot lang ang pananakot. Mas lamang pa ang mga eksenang nakakaantok. Magigising ka na lang kapag may advertisement na papasok dahil mas nakakagulat pa yun kesa sa buong pelikula.
Hindi bagay ang cinematography sa tema ng pelikula. Parang nasa music video ang mga multo. Kahit walang nangyayari, may maririnig kang nakakatakot na tunog. Dinaan na lang sa paulit-ulit na musical scoring para mapanindigan na horror talaga itong palabas na ito.
Mas naging love story pa siya kesa sa horror dahil sa landian ng antique dealer at nung rabbi. Maganda sana ang naging usapan nila tungkol sa trauma at inner ghosts, pero ang lamya ng mga eksena nung inilarawan nila yun.
Bagamat disente umarte ang mga artista, hindi ito naging sapat para isalba ang buong pelikula.
The script has potential, but the execution is lame and boring. Horror experience is meant to be shared with people and not to be locked inside the script. For continuously withholding horror, this movie is the ultimate gatekeeper.
𝗧𝗛𝗘 𝗚𝗔𝗧𝗘𝗞𝗘𝗘𝗣𝗘𝗥
Rating: 0/5
Cast: Shanaia Gomez, Dean Rosen, Jef Flores, Miguel Vasquez, Nor Domingo, Jamie Wilson, Jamie Wilson, Ina Azarcon-Bolivar, Kate Alejandrino
Screenplay: Zoe Alcazaren, Dean Rosen
Presented by: Kinetek
Release Date: October 19, 2024 on iWantTFC
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Storytelling: -2
Emotions: -2
Screenplay: 1.5
Technical: 0.8
Message: 0
AVERAGE SCORE: -0.34
Congratulations are in order for iWanTV!!
Good movie, or so I thought! Great story. Good script. Good actors. For me, napaka natural ng acting ng mga cast, though a few scenes kinda dragging to a certain extent. But overall, it's impressive! Original musical score is commendable, and I found it interesting. However, they could have used one or two more that can drastically change the emotions in some scenes of The Gatekeeper.
It's not the typical Pinoy horror film. Others may feel that it's lacking in "takot" factor or super scary scenes , but personally I liked the treatment. It took me to a different level of scary factor. It's the psychology of fear, imagined threat or panic against t…