top of page

THE HEARING

The Hearing (Cinemalaya 2024)

Directed by: Lawrence Fajardo


Mahaba-habang lakaran ito

papunta sa kanilang destinasyon.


Hindi ka kaagad makakapasok sa pelikula. Maghihintay ka muna. Ngunit kapag nakarating ka na duon, hindi ka na nila papakawalan. Hihinto ka sa paglalakad at makikinig ka na lang.


Sa iyong pakikinig, maglalakad ang iyong isip. Mapapatanong ka kung saan nanggagaling ang kasamaan na meron ang ibang tao. Nakakagigil. 


Sa iyong pakikinig, lalabas ang iyong damdamin. Madadala ka sa mga kaganapan. Manghihina ka sa sitwasyong hindi tama. Nakakaawa.


Sa iyong pakikinig, nagkaroon sila ng boses. Nauunawaan mo ang mga karakter. Kasama mo silang lumalaban. Umaasa ka na sana makuha nila ang hustisya. Nakakakaba.


Kapag nakikinig ka, andami mo palang nagagawa.


Kapag nasa harap mo si Enzo Osorio, hindi pwedeng hindi mo siya pakinggan. Ang lakas ng kanyang presensya. Nakakagigil si Rom Factolerin kahit wala pa siyang sinasabi. Ramdam mo pagiging ina ni Mylene Dizon. Nung sumigaw si Ina Feleo gamit ang kanyang kamay, duon naging pinamalakas ang kanyang boses.


Hindi malinis ang pagkakakwento para sa istoryang ito. May mga eksena na pwedeng tanggalin o paiksiin. Biglang napuputol ang tensyon. Minsan ay hindi akma ang anggulo ng kamera. At marami pang iba na sana ay iniba. Ngunit ang mga teknikal na aspetong ito ay natabunan dahil mas umangat ang mga emosyon at mensahe ng pelikula.


Nakakaiyak sa sakit at sa ganda ang huling mga eksena. Nanunusok ito sa puso at sa mata.


Sa pagluha ng mata, naging mas matalas ang tenga. Boses ng pelikulang ito ang siyang nangibabaw, at isang malaking kasalanan ang hindi makinig.


𝗧𝗛𝗘 𝗛𝗘𝗔𝗥𝗜𝗡𝗚

Rating: 4/5


Cast: Mylene Dizon, Nor Domingo, Ina Feleo, Ruby Ruiz, Neil Tolentino, Angie Castrence, Marvin Yap, Rom Factolerin, Rome Mallari, Ruslan Jacob, Enzo Osorio

Screenplay by: Honee Alipio

Presented by: Pelikulaw, CenterStage Productions

Release Date: August 3-11, 2024 at the Ayala Malls Manila Bay, Greenbelt, Trinoma, U.P. Town Center, and Market! Market! for the 20th Year of Cinemalaya

A Movie Review by: Goldwin Reviews

0 comments

Comentários

Avaliado com 0 de 5 estrelas.
Ainda sem avaliações

Adicione uma avaliação
bottom of page