The Uncanny (TMFF 2023) Directed by: Kyle Abay-Abay 𝘧𝘳𝘰𝘮 𝘵𝘩𝘦 𝘊𝘰𝘭𝘦𝘨𝘪𝘰 𝘥𝘦 𝘚𝘢𝘯 𝘑𝘶𝘢𝘯 𝘥𝘦 𝘓𝘦𝘵𝘳𝘢𝘯
Isang babae na parating lumilipad ang isip ang nakakilala ng misteryosong lalake.
Landian na may kasamang takutan. Pero hindi nakakatakot at hindi rin nakakilig. Wala kang maramdaman sa pinapanuod mo kundi antok. Magandang pampatulog ang palabas na ito.
Tamad silang magkwento. Walang direksyon. Hindi maganda ang script. Puro pasakalye at paligoy-ligoy. Andaming hanash ng bida at ng multo. Nagsasagutan lang sila ng isang oras at mahigit. Tapos sa huli, isang bagsakang sasabihin ang kaluhugan ng lahat ng pinakita nila. Dinaan na lang sa mga matatalinhagang linyahan ang lahat ng gusto nilang sabihin.
Sana ginawa na lang nilang libro ang lahat ng ito upang basahin imbes na panuorin. Baka mas maging maganda pa siya.
Ampanget ng mga kuha. Wala sa pokus ang mga tao. Literal na hindi mo na nakikita ang mga mukha nila. Hindi sakto ang audio dubbing. Walang dating ang mga hitsura ng mga multo.
The whole movie is dragging to the superlative level. It drags you to bed. It drags you outside of the cinema.
This is not uncanny. This is just unbearable.
THE UNCANNY
Rating: -2/5
WATCH THE OFFICIAL TRAILER HERE: https://fb.watch/laoEzykNUz/?mibextid=cr9u03
Cast: Zyrish Quierrez, Ice Lee Presented by: DiviStorya Production, The Manila Film Festival Release Date: June 16, 2023 in SM Manila Cinema A Movie Review by: Goldwin Reviews
This is an official entry to The Manila Film Festival 2023. The grand premiere night will happen on June 15, 2023, with regular showing dates from June 16 to 24 at the SM Manila Cinema in celebration of the Araw ng Maynila. Just a disclaimer that all films are made by students, and there’s always room for improvement.
Comments