Tigkiliwi (2025)
Written & Directed by: Tara Illenberger

Filled with unexpected turns, this movie is unafraid to be different—and they’re unapologetic about it.
Hindi takot mahusgahan ang pelikulang ito. Hahamakin nila ang lahat para lang maihatid ang kanilang mensahe.
Napaka-refreshing at creative ng pagkaka-kwento ni Direk Tara Illenberger. Siya ang tipo ng filmmaker na kapag tinanong mo kung ilang burger ang nais kainin, ang isasagot niya ay Tara!
Naging horror ang maruming hugasin. Ginawang thriller ang pag-ihi sa damuhan. Nabigyan ng drama ang pagluto ng rice. Naging light comedy ang heavy stereotypes. Ginawang entertaining ang history lessons.
Kahit palipat-lipat sila ng genre, hindi ito magulong panuorin. Kahit maraming paksa at perspektibo, lahat ng usapan ay may pinupuntahan at nagkakatagpo. Ang mga punchlines ay hindi lang basta biruan. Pati puso ay natatamaan. Ang short jingle rin nila para sa Tide ay may katuturan.
Magpapakita sila ng baboy. Magtatanim ng halaman. Gagawa ng cacao. Magluluto ng inasal. Kahit halu-halo ang putahe ng pelikulang ito, ang sarap nitong panuorin.
Kahit marami silang ginawang kakaiba, hindi ito makalat tingnan. Ang swabe ng pag zoom in sa mga pagmumukha nila. Ang kwela ng sound effects. Ang saya ng visual effects. Magandang representation ang mga tabingi na shots upang ilarawan ang mga baluktod na nangyayari.
First honor sa pagiging sweet at natural si JP Larroder. Sobrang cute ni Zachary Anuran. Kung gaano ka vibrant ang lipstick ni Gabby Padilla, ganun din ang kanyang akting. Ray of sunshine si Sunshine Teodoro, pero kaya niya rin maging storm kung kinakailangan. Kung ano ang ikinatuwa mo kina Ruby Rosa Baldevarona at Jeffrey Jiruma ay siyang ikinais mo sa karakter ni Nathan Sotto. Nakakadala at gets na gets ang mga hugot ni John Renz Javier. Anlakas ng dating kapag binabanggit ang pangalang Theresa May.
Ruby Ruiz is a certified witch in artistry. May kakayahan siyang lumipad—at kaya ka niyang dalhin kahit saan man niya gustuhin. She can give you a one hell of a ride.
Kahit sino man sa kanila ang nasa eksena, may tiwala kang gagalingan nila. Nararapat lang na tawagin silang Best Ensemble. Ang bawat karakter ay itinuring na tao. Lahat sila ay nagkaisa at nagtulungan.
Humanity is respected. Balanced is earned.
Faith in cinema, restored.
Walang oras na bibitaw ka sa pelikula. Sa una, atensyon mo lang ang napukaw. Ang susunod nilang makukuha ay ang iyong kiliti. Pagkatapos nun ay nabihag na rin pati ang puso. Nang natapos ang palabas, iaalay ang dalawang kamay.
Palakpak at saludo.
Panuorin at tangkilikin.
𝗧𝗜𝗚𝗞𝗜𝗟𝗜𝗪𝗜
Rating: 5/5
Cast: Ruby Ruiz, Gabby Padilla, Sunshine Teodoro, John Renz Javier, Nathan Sotto, Ruby Rosa Baldevarona, Jeffrey Jiruma, JP Larroder
Presented by: Bonfire Productions, Dark Media Creations, Soundsmith
Release Date: March 14-25, 2025 at Gateway for Puregold CinePanalo 2025
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Comentarios