Una (Short Film 2024)
Directed by: Sonny Calvento
Ang short film na ito ay exclusively showing sa Robinsons Movieworld. Anong branch ba ng Robinsons ang maganda ang sinehan? Meron nga ba? Parang napag-iiwanan na sila. Hindi kasi malinaw yung sa Robinsons Magnolia.
Kahit malinaw man ang screen, hindi rin nakaka-bilib ang cinematography. Hindi siya magandang tingnan. Walang dating ang istorya. Ang simple at boring ng pagkakakwento. Minsan, nilalagyan na lang ng tunog na nakakatakot para magkaroon ito ng buhay. Kung wala yun, sobrang tamlay na ng buong pelikula.
Kung gusto niyo makitang umarte si PABLO sa big screen, baka mabigo lang kayo dahil pang-special participation lang ang datingan niya rito. Mas marami pang nagawa ang ibang aktor—kahit si PABLO raw ang pinakabida rito.
Hindi mo kakapitan ang kanyang karakter. Ang hilig nilang magtapon ng symbolisms kung saan saan. Akala nila sapat na yun para magkaroon ng bigat ang istorya, pero lalo itong nawawalan ng saysay. Imbes na magkwento, puro patikim na lang ang kanilang nagawa.
Hindi ito short film.
Teaser lang siya ng kung ano man.
280 pesos para manuod ng 20-minute teaser??
Maraming short films na less than 20 minutes, tapos buong buo ang mensahe at maganda ang pagkakalagag ng istorya. Yung iba ay libre mo pang mapapanuod. Tapos biglang may ipapalabas na ganito categorized as a short film and priced at 280 pesos??
Maraming nanunuod at bumili ng tickets para sa palabas na ito. Meron itong secured audience dahil sikat ang artista. Pero kapag pinanuod niyo na ang pelikula, halos wala itong naibigay at naiparamdam.
Nung natapos na ang pelikula, walang pumalakpak ni isa. Tameme silang lahat. Wala ring tumayo kasi nagbabaka-sakaling may post-credits scene na magpapa-angat ng energy nila, pero wala talaga hanggang dulo. Nung nagsilabasan na ng sinehan, nag-ngitian na lang sila.
Nakakalungkot at nakakadismaya itong UNA. Kung magkaroon man ng pangalawa, sana hindi na katulad nito.
𝗨𝗡𝗔
Rating: 0/5
Cast: Pablo, Alijah Abatayo, Ube Lola Daleon, Renerio Concepcion, Froi Manto, Luiz Ratnayake
Screenplay by: Pablo, Xi-Anne Avanceña, Justin De Dios
Produced by: 1Z Entertainment
Release Date: November 9-10 & 16-17, 2024 in Robinsons cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Pagbigyan niyo na, pang-matalino lang kasi yung UNA film, hindi pang mainstream kaya baka di kinaya ng braincells niya.
Hindi lang yung prequel itself ang sinabihan mo ng hindi maganda, pati ba naman yung Robinson's?? --"Anong branch ng Robinson ang may magandang sinehan? Meron nga ba?"
like wtf?
About dun sa prequel, again, PREQUEL...
Nakakalungkot lang na it seems like ang baba ng understanding mo sa mga bagay-bagay. DO MORE RESEARCH FIRST, Grow up a little bit.
Its a fund raising event. It’s a short film so yeah 20 minutes would be justified for its length. You raise an expectation too high for a producer that never released a movie. Why would you even go 💀
Questions in my mind as both your avid follower before and a fan of the group you are dragging here, are these:
1) Why would you even attend a fan-exclusive fundraising event/movie content, when you are a clearly a non-fan? Yes fan exclusive sya because the movie was taylored to the listeners of the album - which provides the context of the entire film. It was NOT marketed to the non-fans.
Did you even research about this fact, before watching or publishing a hateful review to your thousands of followers as a supposedly responsible influencer?
2) You were questioning the mere Php280 cost, while ALL of its proceeds are for the victims of the Typhoon Kristine. Pablo could have released…
Although it sounds negative pero that is the reality na di lahat pasok sa panlasa ng tao. Still good review