UN-EX YOU
- goldwinreviews
- 8 hours ago
- 2 min read
Updated: 14 minutes ago
Un-Ex You (2025)
Directed by: RC Delos Reyes

Magaling sila Kim Molina at Jerald Napoles. Sariling sikap silang i-angat ang mga eksena, ngunit parati silang hinihila pababa ng script at ng pelikula.
Hindi nabigyan ng sapat na halaga ang pagbubuntis. Naging gimmick lang siya para umusad ang istorya. Kapag may usapan, hindi ito makabuluhan. Mababaw ang diskusyon tungkol sa kababaihan. Hindi tuluyang naibahagi ang kanilang pinagdaraanan.
Ang pamilya ay mahalagang detalye para sa pangunahing karakter, ngunit hindi nila ito pinagtuunan ng pansin. Hindi sila naging maingat sa pagtalakay ng kanilang mga paksa. Nakakaasiwang masaksihan ang borderline harassment na ginagawa ng karakter.
Andaming punchlines, pero nakakaawa lang siyang pakinggan. Hindi pinag-isipan ang mga linya. Kulang sa puso. Maliban dun sa ulan scene, wala ka ng makapitan.
Magandang contrast sana ang mabilisang mundo ng babae at ang mabagal na mundo ng lalaki, ngunit hindi maganda ang pagkakagawa sa mga eksena upang umangat ang mensahe. Habang tumatagal ang pelikula, papalayo ka nang papalayo sa mga karakter.
Kapos sa emosyon si Kyosu Guinto. May mas igagaling pa si Vladia Disuanco. Hindi effective ang loveteam nilang dalawa. May conviction ang mga advices at warnings ni Marnie Lapus. Genuine ang naging pagganap ni Bob Jbeili. Nakakatawa si Candy Pangilinan.
Ilang beses binanggit ang pamagat sa mga eksena kahit hindi siya natural pakinggan. Nakakalungkot panuorin ang pelikula dahil hindi ramdam ang kanilang sinseridad sa pagkwento. Bigo silang makabuo ng matibay na koneksyon.
Lately, Filipino romcoms have been taking a fresh leap with stories that go beyond the typical tropes. This movie just ain’t that.
Like an ex, this movie failed to progress and got stuck in the past.
𝗨𝗡-𝗘𝗫 𝗬𝗢𝗨
Rating: 0/5
Cast: Kim Molina, Jerald Napoles, Kyosu Guinto, Vladia Disuanci, Bob Jbeili, Marnie Lapus, Candy Pangilinan
Written by: Danno Kristoper Mariquit
Presented by: Viva Films
Release Date: April 9, 2025 in Philippine cinemas nationwide
A Movie Review by: Goldwin Reviews
Comments