top of page

UNSPOKEN

Unspoken (TMFF 2023) Directed by Daniella Javierto 𝘧𝘳𝘰𝘮 𝘈𝘳𝘦𝘭𝘭𝘢𝘯𝘰 𝘜𝘯𝘪𝘷𝘦𝘳𝘴𝘪𝘵𝘺


A woman has many problems but she’s hesitant to speak about them. Will they remain unspoken?


Ang diskarte sa pelikulang ito ay dapat tadtarin ng maraming problema ang bida. Para lahat ng eksena ay intense. Todo sigaw at todo iyak lahat ng mga artista. Hindi pwede ang simple at kalmado rito.


Aabangan mo kung sino ang mananalo sa palakasan ng boses. Akala mo bingi ka na. Pero may mas ilalakas pa pala ang mga boses nila.


Walang katapusan ang mga twists ng pelikula. Uupo ka lang at maghihintay kung ano ang susunod nilang paandar. Sa sobrang dami ng mga ganap, hindi na sila nakapagkwento. Ang mga karakter na ang nag-aadjust sa kwento. Mukha na silang sinasapian dahil paiba-iba na sila nang ginagawa kahit wala sa lugar. Ipinakita nila lahat ng genre na pwede nilang maisip.


Maliban sa sobrang sabog na nang mga nangyayari, sabog din ang pagkaka-edit sa pelikula. Nagsasapawan sila. Hindi mo na alam kung ano ang uunahin mong punahin.


Buffet ito ng mga pasabog at sigawan. Halo-halo at chop suey na itong pelikula.


With infinite possibilities, the movie has launched 5 seasons with unique stories from different series. Every other scene can become a season finale episode unrelated to each other. The math ain’t mathing. The continuity ain’t continuing. It’s funny and gripping for all the wrong reasons.


Andaming ibinigay ng pelikulang ito para hindi mo panuorin. Masyado na itong naging maingay para hindi mo pansinin. Hindi mo na ito pwedeng patahimikin.


Unspoken no more.


UNSPOKEN Rating: √-∞/5


WATCH THE OFFICIAL TRAILER HERE: https://fb.watch/laoDjSpaok/?mibextid=cr9u03

Cast: Lara Lagdaan, David King Escio, Stephen Legaspi, Irish Vistan, Alan Paule Presented by: 3 in 1 Action Production, The Manila Film Festival Release Date: June 16, 2023 in SM Manila Cinema A Movie Review by: Goldwin Reviews


This is an official entry to The Manila Film Festival 2023. The grand premiere night will happen on June 15, 2023, with regular showing dates from June 16 to 24 at the SM Manila Cinema in celebration of the Araw ng Maynila. Just a disclaimer that all films are made by students, and there’s always room for improvement.

0 comments

留言

評等為 0(最高為 5 顆星)。
暫無評等

新增評等
bottom of page