top of page

INIT

Init (Vivamax 2024)

Directed by: Piem Acero


Merong scholar student na hindi pumapasok sa school pero pinapasukan siya ng kanyang mga housemates. Ang electric toothbrush ay ginawa niyang vibrator.


Merong varsity player na ang sports ay sex. May mag-jowa na gumagamit ng sinturon habang nagtatalik. May 2nd year MassComm student na first time raw makipag-threesome.


Lahat sila ay estudyante, pero ni minsan ay hindi mo nakikitang nag-aaral o nag-hawak ng libro. Mas hinahawakan nila ang kanilang mga sarili.


48 minutes ang running time ng buong pelikula at sa huling 3 minutes lang sila nag-abalang magkwento. Binuhos sa iisang eksena ang kanilang mensahe. Samantalang ang 45 minutes ay napunta sa pag-establish ng iba’t ibang sex scenes.


Dahil sa init ng panahon at ng katawan, panay hubad ang mga karakter sa luob ng boarding house. Ang kamera ay tutok na tutok sa maseselang bahagi ng katawan. Sobrang liwanag at kitang kita talaga ang kaluluwa ng babae na lumuluwa na. Wala nang tinira sa kanila.


Nagkaroon ng pagkakataon na umarte ang mga Vivamax actresses. Hindi masyadong magaling pero makikitaan mo ng effort. Medyo pilit ang pagiging maligalig ni Candy Veloso. Dinaan ni Aica Veloso sa sigaw ang kanyang galit.


May kaunting emosyon na naibibigay si Dyessa Garcia. Maliban sa pag-arte, nagamit din ang kanyang boses dahil siya ang umawit ng OST na “Tanggap Ko Na” na bumagay sa huling eksena ng pelikula.


Masyadong gasgas na ang pamagat na “Init” at sana ay mas pinaglaruan pa nila. Meron sana silang mensahe sa dulo pero sana ay mas binigyan pa nila ito ng importansya.


Maaaring uminit ang inyong mga katawan sa panunuod nito, pero baka bahagyang uminit din ang inyong ulo dahil kakarampot na oras lang ang napunta sa kwento.


𝗜𝗡𝗜𝗧

Rating: 0/5


Cast: Dyessa Garcia, Candy Veloso, Aica Veloso, Rash Flores, Ghion Espinosa, Rome Guinto

Written by: Jessi Lopez

Release Date: July 30, 2024 on Vivamax

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  0

Emotions:  0.5

Screenplay:  0.5

Technical:  0

Message:  0.5

AVERAGE SCORE:  0.3

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page