top of page

WHAT YOU DID

What You Did (Sinag Maynila 2024)

Written & Directed by: Joan Lopez-Flores


Ang mga isyu na ipinakita sa pelikulang ito ay tila naging parte lang ng mga plottwists. Kapos sila sa pagbahagi ng mga karanasan. Kinulang din sila sa pag-iingat. Mas nakatutok sila sa kung paano ibubunyag ang mga sikreto kesa sa kung paano ibabahagi ang kanilang mensahe.


May mga sandaling hinihila nila ang ibang karakter pababa para lang umangat ang pangunahing karakter. Kahit mali, nagiging pabor ang sitwasyon sa kanya. Nakakatapak at nakakasakit na sila ng ibang tao. May pagkakataon sana silang ayusin ito sa mga susunod na eksena, pero hindi na nila ito pinagtuunan ng pansin.


Hindi natumtumbok ang mga dapat pag-usapan. May mga bagay na pilit nilang iniiwasan kahit ito’y mahalaga at time-sensitive. Kaduda-duda rin ang ilang kaganapan. Ramdam mong pinapa-ikot at pinapahaba lang nila ang pelikula.


Technical aspects of the film are decent. The editing is able to connect different scenes and characters together without looking awkward. However, the direction is not gripping and the script needs refining.


The film had more time in playing around with its subject—instead of handling it with more sensitivity and care. That’s what the film did and didn’t do.


𝗪𝗛𝗔𝗧 𝗬𝗢𝗨 𝗗𝗜𝗗

Rating: 1/5


Cast: Tony Labrusca, Mary Joy Apostol, Iggi Siasoco, Epy Quizon, Ana Abad Santos, Mercedes Cabral

Presented by: The Jumpcat Experiment

Release Date: September 4-10, 2024 at Gateway, SM Cinemas (NCR), Robinsons Manila & Galleria, and Market Market

A Movie Review by: Goldwin Reviews


Storytelling:  1

Emotions:  0.5

Screenplay:  1

Technical:  2.5

Message:  1

AVERAGE SCORE:  1.2

0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page